Mag-asawang Chinese drug lords at 2 pang high profile fugitives, - TopicsExpress



          

Mag-asawang Chinese drug lords at 2 pang high profile fugitives, nasa BuCor na Inilagay na sa kustodiya ng Department of Justice (DoJ) at Bureau of Corrections (BuCor) ang mag-asawang Chinese convicted drug lords na muling naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa San Juan kamakailan lamang. Ang naturang mga drug lords ay ni-rescue noong buwan ng Pebrero sa Cavite ng mga pinaniniwalaang miyembro ng Ozamis gang. Maliban sa mag-asawang Chinese drug traffickers, kasamang tinurnover ng Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police (PNP) ang kilalang serial bank robber na si Ricky Cadavero alyas Kambal na tumakas sa New Bilibid Prison noong Disyembre ng nakaraang taon. Kasamang naaresto ni Cadavero ang trusted man nito na si Wilfredo "Kulot" Panogalinga noong Biyernes, July 12, sa Barangay San Agustin 2, Dasmariñas, Cavite ng pinagsanib na puwersa ng Regional Special Operations Group ng Police Regional Office 4A. Sa kabilang dako, itinuturing ng PNP bilang high profile fugitives sina Cadavero, Li Lan Yan at Wang Li Na na mga national prisoners, na convicted sa kanilang mga kaso. Samantala ayon kay DILG Sec. Mar Roxas, ang pagkakaaresto muli sa mga tinaguriang high risk criminals ay malaking puntos sa mas lalong pinaigting na kampanya ng PNP laban sa mga kriminal. Sa kabilang dako, ilang miyembro ng Ozamis gang ang naaresto ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa Cavite at Batangas. Ito ay sina Nestor Buenabente a.k.a Moklo; Rogie Soriano a.k.a Tong; Cesar Devera a.k.a Cesar; Donde Pedrosa a.k.a Dondon; Alvin Cuyag a.k.a Ben; at Dave Clark Lago alyas Carlo. Bombo Radyo Phils Admin Rapista
Posted on: Mon, 15 Jul 2013 08:47:05 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015