Maganda dito sa abroad.... Dahil..... -sasakay tayo ng eroplano - TopicsExpress



          

Maganda dito sa abroad.... Dahil..... -sasakay tayo ng eroplano papunta dito. -magandang tingnan ang mga matataas na gusali. -iba‘t ibang lahi ang makakasalamuha mo. -ibang lenguahe ang naririnig at sinasalita mo. Maganda dahil hindi PESO ang pera na matanggap mo. Maraming klaseng pagkain,prutas at iba pa na hindi mo nasubukang tikman nung nasa Pilipinas kapa. Maganda tlga.... Maganda.... Kaya maraming ngkakandarapa na mangingibang bansa dahil sa sinasabi ng iba na tlgang MAGANDA...AASENSO ka...at kung anu anu pa.. Pero kahit anung ganda pa yan.... Sasabihin ko sayo kabayan.. “IBA PA RIN ANG LUPANG SINILANGAN.” “IBA PA RIN ANG PILIPINAS KOMPARA SA LUPA NG MGA DAYUHAN”.. “IBA PA RIN UNG KASAMA MO SILA...MGA MAHAL MO SA BUHAY”... “ IBA PA RIN UNG MAY NG AALAGA SAYO SA ORAS NA MASAMA ANG PAKIRAMDAM MO”... MAGANDA sa ABROAD kung MALUSOG ka at marami kang PERA. Pero kung ngkakasakit ka,mas PIPILIIN mo pang umuwi sa pamilya keysa MAGTAGAL dito na ni isa wala namang PAKIALAM sayo. Kaya sa mga nais mg abroad,hindi nman po sa dinidiscourage ko kayo,ang sa akin lang,“think before you go”.. Salamat po ng marami. In behalf of OIMEC creator and admins,,, Ito po si ADMIN heart...
Posted on: Wed, 24 Jul 2013 07:32:51 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015