Magandang pelikula at maraming matutunan ang mga mag aaral, - TopicsExpress



          

Magandang pelikula at maraming matutunan ang mga mag aaral, magulang at guro. Ang problema, napaka-disorganized ang pamamalakad ng organizer nito mula sa pila hanggang sa matapos ang pelikula. Di ko maiwasang makipagtalo sa management ng Bright Ideas lalo na sa kanilang manager na si Jerome Oliveros. Alam kong nalate kami ng 15 minuto para sa 1st showing kaya maghihintay kaming mag ina sa 2nd showing (9:40am) nagtiis kaming tumayo ng mula 8:15am hanggang 9:30am. Walang nag-aasikaso sa mga tao sa pilahan. Pagdating ng 9:30am, nag anunsiyo si G. Oliveros na ang Cinema 1 ay para sa taga Mateo Jagmis MES at ang Cinema 2 ay para sa Puerto Princesa Pilot School. Pagkatapos ng anunsiyo, nagkagulo na ang mga taong nakapila. Halos magkaipitan ang mga batang mahigit isang oras na nakatayo kasama ang ilang magulang. Di ako nakatiis kaya pinuntahan ko ang management sa unahan para magreklamo. Maraming dapat isaalang-alang ang Bright Ideas sa pagsasagawa ng ganitong event. Dalawang mahalagang bagay ang naoverlook ng organizers: UNA, dapat naging malinaw kung saan dapat pumila ang mga manonood ayon sa paaralan at PANGALAWA, CROWD CONTROL measures. Maayos na nakapila ang mga tao noong maaga na makikita sa larawan pero nagkagulo na nong magsalita si G. Oliveros. Di nya ba naisip ang pwedeng mangyaring sakuna dahil dito? BRIGHT IDEAS management, ano ang gagawin nyo kung nagka-stampede sa pilahan? May bata pa diumano hinimatay sa pila para sa 3rd showing. Kung totoong nangyari un, mag first aider kaya ang management para dito? Maganda ang pelikula at kapupulutan ng maraming aral ang mga magulang, estudyante at guro. Ang NAKAKADISMAYA ay ang MANAGEMENT/ORGANIZER nito. Nawa wag na po itong maulit. Paano kung walang magulang na kasama ang mga estudyanteng nanood? Baka natumba at naipit pa nong naglipatan mga tao ayon sa arrangement ng management. Paglabas naming mag ina pagkatapos ng pelikula, lumapit si G. Oliveros para humingi ng paumanhin. Humingi rin ako ng paumanhin dahil tumaas ang boses ko dahil sa naging gulo sa pila. Ginawa kong magreklamo hindi lamang para sa anak kong posibleng maipit sa gitgitan ng mga tao kundi sa mga batang maayos na pumipila makapanood lang ng magandang pelikulang ito.
Posted on: Sat, 20 Jul 2013 08:21:27 +0000

Trending Topics



v class="sttext" style="margin-left:0px; min-height:30px;"> Baby-Toddler-Costume Ballerina Butterfly Blue Toddler Halloween
Sewage System, 1/2 HP HO9NT6F Liberty SH90E OAUH1Z BDSHTRD .
How to Get Framed Supernatural - Tv Series Poster 24x36 Dry Mount
Acorda Marcos Parente! Leia a Bíblia e pare de acreditar nesses
Dicas da Polícia Civil Para Casas — Janelas e basculantes

Recently Viewed Topics




© 2015