Magandang umaga, ngayon po ay araw ng Miyerkules, ika-17 ng Hulyo 2013. At narito ang Horoscope sa araw na ito; CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) — Ngayon mauunawaan na hindi lahat ng ugali ay katulad sa iyo. Mapapatunayan na ang pangako ng iba ay mapapako at hindi matutupad. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 28, 39 at pale yellow. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) — Ang maririnig na kapintasan at kahinaan ng minamahal ay tsismis at walang katotohanan. Paraan lamang ito para ikaw ay manlamig. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 25, 36 at strawberry red. VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) — Iwasan ang magbalak pumasok sa aktibidad na magastos. Makakabuting suriin muna ang budget para hindi mapasubo at nang walang pagsisisihan. Lucky numbers at color for the day ay 21, 24, 30, 39 at yellow. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) — Umaayon ang panahon para pagtuunan ng pansin ang kalusugan at pag-aayos ng tahanan. Maisasaayos at maipaplano ang mga dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 6, 31, 39 at antique gold. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) — Huwag iisantabi na lamang ang maging masipag, disiplinado, devoted at loyal. Gawing presentable ang sarili para magkaroon ng tiwala ang koneksyon o contact. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 21, 23 at scarlet. SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) — Magbibigay ng magandang kontribusyon ang ipinanganak sa ilalim ng Aries o Taurus. Doblehin ang pag-iingat kung makakasagupa ang may unang titik ng pangalan A, E at M. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 21, 36 at hot pink. CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) — Iilang pagbabago ang mangyayari sa aspeto ng pag-ibig dahil hindi pa tiyak ang sariling damdamin. Mabubulgar ang matagal nang bumabagabag. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 14, 18 at jade green. AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) — Maisasakatuparan kung ano ang gustong mangyari sa buhay. Magbibigay ng suwerte o kagalakan ang kapwa Aquarius o isang Gemini. Magkakaroon ng malaking pagbago sa takbo ng pamumuhay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 28, 35 at sky blue. PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) — Magiging maganda ang aspetong pinansiyal. Magkakaroon ng pagkakataon na kumita ng ekstrang salapi. Maisasaayos ang kaunting gusot sa trabaho o sa suliraning pangpuso. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 21, 25 at bright yellow. ARIES (Marso 21 - Abril 19) — Aanihin kung ano ang itinanim. Mauubos ang oras sa pag-aayos ng mga sariling kagamitan. Maraming dapat pa salamatan na may kinalaman sa nakaraan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 15, 37 at orchid violet. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) — Magiging positibo ang pananaw at masisimulan ng maayos ang takbo ng buhay. Maisasakatuparan ang pangakong binitiwan. Huwag makakalimot na pasalamatan ang Poong Maykapal sa mga biyayang tinatamasa. Lucky numbers at color for the day ay 7, 13, 27, 36 at red rose. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) — Mahalagang pag-usapan ang tungkol sa lumalabong relasyon, pagsasama o negosyo. Hinahon ang kailangan sa pagresulba ng suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 12, 31 at indigo.
Posted on: Tue, 16 Jul 2013 23:02:47 +0000
Recently Viewed Topics
© 2015