●/ Magkapatid at kanilang ina sa Pakistan, pinatay ng - TopicsExpress



          

●/ Magkapatid at kanilang ina sa Pakistan, pinatay ng /▌ stepbrother dahil sa video na naliligo sa ulan / Written by Leizl Galan Published in International News Monday, 01 July 2013 12:04 ISLAMABAD, Pakistan - Pinatay ang dalagitang magkapatid sa Pakistan dahil sa pagkuha ng video ng kanilang sarili habang naliligo sa ulan. Ayon sa pulisya, pinatay sina Noon Basra at Noor Sheeza ng kanilang stepbrother matapos kumalat ang video ng dalawang dalagita na naliligo sa ulan habang sumasayaw at nakangiti pa. Nagbigay daw kasi ito ng kahihiyan sa kanilang pamilya sa bayan ng Chilas. Hinatulang mamatay ang magkapatid kung saan binaril ang mga ito kasama ang kanilang ina ng limang mga lalaki. Sinabi ng pulisya na inaresto nila ang stepbrother ng magkapatid at pinaghahanap ang apat na iba pa na responsable sa honor killings. Ang honor killings ay madalas sa Pakistan bunsod ng konserbatibong pananaw at istriktong pagpatupad ng Sharia law. (news.au) - See more at: bomboradyo/news/international-news/item/10142-magkapatid-at-kanilang-ina-sa-pakistan-pinatay-ng-stepbrother-dahil-sa-video-na-naliligo-sa-ulan#sthash.MOFolZaS.dpuf
Posted on: Mon, 01 Jul 2013 15:50:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015