Magpamilya patay sa trailer truck (Rossel Calderon) - TopicsExpress



          

Magpamilya patay sa trailer truck (Rossel Calderon) Tumilapon palabas at humampas ang mga katawan at ulo sa sementadong kalsada ang isang pamilya matapos banggain ang kanilang sinasakyang tricycle ng isang trailer truck, na kanilang ikinasawi sa may kahabaan ng Bacao Diversion Road, Gen. Trias, Cavite kamakalawa ng madaling-araw. Dead-on-arrival sa Divine Grace Medical Center ang dalawang biktima na sina Billy Joe Colangco y Cabuquin, 22-anyos, at live-in partner nitong si Clarisse Villarin, 21-anyos, pawang mga residente ng Bgy. Bunga, Tanza, Cavite sa naganap na banggaan dakong alas-4:20 ng madaling-araw. Nasawi naman habang ginagamot ang anak nilang si Jessie Daniel Colangco, isang taon at sampung buwang gulang. Base sa inisyal na imbestigasyon ay binabaybay ng mag-anak ang nasabing kalsada sakay ng kulay pulang Suzuki tricycle (WM 7010) nang salpukin ng trailer truck (UWF 204) na minamaneho ng suspek na si Jessie Villar Sabaybay, 27-anyos, ng Bgy. Buli, Muntinlupa City. Sanhi nito ay tumilapon lahat ang mga biktima palabas ng tricycle at humampas ang mga katawan at ulo sa sementadong kalsada. abante.ph/issue/oct2213/luzon01.htm
Posted on: Tue, 22 Oct 2013 01:30:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015