Malalim na hukay ng ‘pork’ scam, ‘di dapat matakpan ng - TopicsExpress



          

Malalim na hukay ng ‘pork’ scam, ‘di dapat matakpan ng hinuhukay na DAP (Aries Cano/Boyet Jadulco) Maaaring seryoso at nakakaalarma rin ang nabunyag na Disbursement Acceleration Prog­ram (DAP) sa ilalim ng administrasyong Aquino, at mahalagang mahukay din ang detalye sa likod nito pero hindi umano tamang magamit ito para matakpan o matabunan ang nauna nang mas malaking eskandalo ng P10 bilyong Napoles ‘pork’ scam. “Even as we seriously express our alarm and concern on the DAP, we should not forget that this issue was first raised by Senator Jinggoy Estrada... This is clearly an attempt to distract the public from the immediate objective of exacting accountability for their colossal crimes. The public must not fall for Estrada’s diversionary tactic,” sabi ni Akbayan Rep. Barry Gutierrez. Sa kabila nito, iginiit ng Akbayan sa Kamara na i-regulate at limitahan ang fiscal power ng Pangulo. “We reiterate our call to Congress to regulate, streamline and limit the Executive’s fiscal powers. While we agree to DAP’s intention to accele­rate or increase state spending to social services and productive sectors to immediately boost economic growth,” dagdag ni Gutierrez. Kinalampag din ng Akbayan ang Aquino government na ilantad nang buo ang mga paliwanag sa mga mekanismo at proseso na bumabalot sa DAP. “We call on the government to fully explain and disclose everything... The people can no longer be left in the dark regarding issues that have to do with their money,” ani Gutierrez. Tama na ang paninisi kay Gloria -- Tiangco Iginiit ng United Nationalist Alliance (UNA) kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na tigilan na ang paninisi kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. Giit pa ni Navotas Rep. Tobias Tiangco, spokesman at secretary-general ng UNA, wala namang pinagkaiba ang administrasyong Aquino at administrasyong Arroyo dahil pareho lang naman silang namumudmod ng pondo sa mga kakamping mambabatas upang maisulong ang interes ng palasyo. Gloria, PNoy iisang kulay lang Para kay ACT party­list Rep. Antonio Tinio, sa gitna ng natatalupang mga iregularidad sa ilalim ng administrasyong Aquino ay lumulutang na ang pagiging isang kulay nina PNoy at dating Pangulong Arroyo. “...kung si Arroyo ay notorious sa pang-aabuso sa mga naaprubahang budget para mabigyan ang ehekutibo ng kontrol sa bultong mga pondo, si PNoy naman inabuso ang presidential powers nito para sa impoundment at realignment ng mga budget,” ani Tinio na ang tinutukoy ay ang DAP fund. Maging ang pagpapatuloy o pagtawid ng ‘pork’ scam sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ay sapat umanong basehan ng isinampang kasong plunder laban sa nakaupong Pa­ngulo at ilang opisyal nito. Binigyang-diin din ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na walang solidong argumento na puwedeng ihirit ang Malacañang upang bigyan ng katwiran ang constitutionality ng DAP kasama na ang pamamahagi nito sa mga mambabatas. “Kahit saang anggulo tingnan ay inabuso ng Ma­lakanyang ang pondo ng bayan sa halip na idiretso ito sa serbisyo publiko,” ani Colmenares.
Posted on: Fri, 04 Oct 2013 00:46:16 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015