Mamamayan ng Sta. Cruz, Zambales, nagkaisang nanumpa para sa - TopicsExpress



          

Mamamayan ng Sta. Cruz, Zambales, nagkaisang nanumpa para sa kalikasan Sta Cruz, Zambales -- Sabay-sabay na nanumpa kahapon (Agosto 24) ang mga kinatawan ng iba’t ibang environmental groups, para sama-samang pangalagaan ang kalikasan sa bayan ng Sta. Cruz at sa kabuuan ng lalawiagn ng Zambales. Sa isang All Leaders’ Assembly na naganap sa Don Marcelo Elementary School, Poblacion, North, Sta. Cruz, Zambales, nanawagan ang mga lider ng iba’t ibang grupo at sector na nangangalaga sa kalikasan na aksyunan ng mga kinauukulan ang hinaing ng mga mamamayan na itigil ang pagmimina na siya diumanong nagpapalala sa pinsala sa kabuhayan ng mamamayan dito. Layunin ng pagtitipon na ito, na pinangunahan ng grupong Movement for the Protection of the Environment (MOVE NOW), na buuin ang pagkakaisa ng lahat ng mamamayan ng Sta. Cruz para tutulan at labanan ang operasyon ng mapaminsala at dambuhalang minahan sa lalawigan ng Zambales. Ang All Leaders’ Assembly ay dinaluhan ito ng iba’t-ibang mga samahan tulad ng SAGIP Zambales, isang pro-environment na organisasyon, mga disaster-oriented na samahan, vendors’ association, fishpond owners’ association, transport groups at drivers’ association, irrigators’ association, youth organizations, iba’t-bang personalidad mula sa LGU, mga barangay officials, at mga lider mula sa iba’t ibang sektor kabilang na ang mga komundad ng mangingisda, magsasaka at Muslim community. Maalalang nagsagawa ng fact finding mission ang mga grupong ito sa mga baryo ng Guinabon, Guisgis, Canaynayan at Lomboy mahigit isang taon na ang nakararaan. Matapos ang fact fincing mission, isinumite ng grupong ito ang resulta ng kanilang pag-aaral sa mga tanggapan ng mayor ng Sta. Cruz at gobernador ng Zambales. Nais sana ng mga grupong ito na personal na makausap ang dalawang pinuno ng gobyerno at mabigyan sila ng pagkakataon na makapagsalita sa harap ng konseho sa Sangguniang Panlalawigan upang maipaabot nila ang kanilang nagkakaisang kahilingang maitigil na ang mapaminsalang pagmimina sa kanilang lugar. Makalipas ang mahigit isang taon, wala pa diumanong aksyon ang dalawang pinuno ng gobyerno sa kanilang mga kahilingan. “Hindi na bago ang pananalasa ng bagyo taon-taon. Ngunit dahil sa epekto ng operasyon ng minahan lalong lumala ang epekto nito sa buhay at kabuhayan ng mamamayan dito sa Sta. Cruz, ani Edison Mendigorin, tagapagsaliga ng Move Now Dagdag pa niya: ”Tulad nitong nakaraang bagyong Labuyo, nagbabanta na mangyari sa bayan ng Sta. Cruz ang delubyong naganap sa Cagayan Valley, kung saan libo-libo ang namatay at nawalan ng ari-arian. Mabilis ang pag apaw ng ilog, kulay pula ang tubig na may dalang mga putik na napunta sa mga palayan at mga kabahayan.” “Ayaw naming mangyari sa Sta. Cruz, Zambales ang nangyari sa Cagayan Valley,” mariing iginiit ni Mendigorin.”
Posted on: Tue, 27 Aug 2013 06:22:28 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015