Manyak na Koreano arestado sa Pasay by Jay Reyes Sep 30, 2013 - TopicsExpress



          

Manyak na Koreano arestado sa Pasay by Jay Reyes Sep 30, 2013 5:30pm HKT KALABOSO ang isang Korean national nang maaresto ng mga tauhan ng pulisya sa isinagawang follow-up operation makaraang ireklamo ng pangmomolestiya ng isang 24-anyos na babae sa Pasay City. Kinilala ni Chief Insp. Joselito Sta. Teresa, hepe ng Special Operations Unit (SOU) ng Pasay police ang naarestong suspek na si You Jae Young, 45, tubong Busan Dong South Korea na nadakip sa loob ng Hong Kong Plaza Restaurant sa Macapagal Avenue alas-11:30 ng gabi noong nakaraang Sabado. Lumabas sa imbestigasyon ng Women and Children’s Protection Desk (SCPD) ng Pasay police na nag-aabang ng masasakyan ang biktimang itinago lamang sa pangalang “Rica Joy” alas-7 ng gabi noong Biyernes sa service road ng Roxas Boulevard nang huminto sa kanyang harapan ang isang kotseng sinasakyan ng suspek, kasama ang isa pang hindi nakilalang tsuper. Tinanong ng suspek ang biktima kung alam nito ang daan patungo sa Hong Kong Plaza. Nang sumagot ang biktima na alam niya ang daan, pinakiusapan siyang samahan sila sa lugar na sinang-ayunan naman ng dalaga. Gayunman, habang tumatakbo ang kotse, sinimulan na siyang molestiyahin ng dayuhan, nilamas ang kanyang mga dibdib at pilit na ipinasok ang mga daliri sa maselang bahagi ng kanyang katawan sa kabila ng kanyang pagpupumiglas. Pagsapit nila sa naturang restaurant, kaagad tinawagan ng biktima ang kanyang kasintahan upang isumbong ang pagmomolestiya sa kanya ng dayuhan bago mabilis na sumakay ng isang taxi at nagpahatid sa himpilan ng pulisya. Matapos isailalim sa medico legal examination ang biktima, kaagad ng isinagawa ng mga tauhan ng SOU ang pagdakip sa dayuhang Koreano. remate.ph/2013/09/manyak-na-koreano-arestado-sa-pasay/ Admin KEN
Posted on: Mon, 30 Sep 2013 09:48:46 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015