Marahas na pagwasak sa tahanan at kabuhayan! Ito ang tugon ng - TopicsExpress



          

Marahas na pagwasak sa tahanan at kabuhayan! Ito ang tugon ng lokal na pamahalaan ng lunsod ng Valenzuela sa panawagan ng maralita na magkaroon ng desente at nakabubuhay na tirahan. Ngunit Binging ipinatupad parin ang demolisyon sa barangay bignay hulo dulo noong ika - 4 ng hulyo 2013 na kung saan 213 kabahayan ang kanilang winasak at humigit 300 pamilya ang naging biktima ng Ilegal na demolisyon. Walang Demolition Order, walang Notice of Demolition, Walang relokasyon at walang programang balik probinsya. Taliwas ito sa kasinungalingang na ipinagmamalaki ng lokal na pamahalaan ng lunsod ng Valenzuela sa pamamagitan ng tagapagsalita nitong si Mejia mula sa public impormation office at kasabwat ang DILG sa ilalim ni Usec. Francisco Fernandez na patuloy na nanlilinlang sa maralita na nagbigay daw sila umano ng relokasyon at mga programang balik probinsya. Ngunit tanging kakarampot at nakakainsultong limos na 5000 lamang ang ibinigay ng Housing and Ressetelment Office (HRO) sa pamumuno ni Elenita Reyes sa mga biktima ng marahas na demolisyon, gumamit ng humigit kumulang 1000 pinagsama samang pulis, demolisyon team at iba pang sangay ng lokal na gobyerno (Overkill). Walang kahihiyang ipinanamamalita ngayon ng mga tagapagsalita ni Mayor Rex Gatchalian na sapat na ang kanilang ibinigay na tulong upang magkaroon ng maayos na buhay ang mga maralita. Dahil sa wala mapuntahan ang mga biktima ay nagtayo sila ng barong barong ngunit ginigipit, pinapalayas at patuloy ang nakaambang pagkumpiska ng kanilang mga kagamitan kung di pa daw sila aalis sa tabing kalsada ng vista verde. “sila kaya ang bigyan ko ng 5000 at idemolis ko ang kanilang bahay, tignan ko lang kung saan abutin ang pera nila, kulang payang pang upa ng bahay” sabi ni Ricardo Gagap tagapangulo ng Anakpawis bignay chapter, na illegal na inaresto at kasalukuyang nakakulong ngayon dahil sa mga gawa gawang kaso isinampa ng mga kapulisan sa pamumuno ni Col. Rhoderick Armamento chief of police ng Valenzuela, hinuli siya sa kabila ng siya ay nakikipag negosasyon lamang sa mga pulis dahil hinahanapan niya ng demolition order ang mga ito ngunit walang at ngunit walang maipakita. Ang maralita na ang idenimolis sila pa ngayon ang ginagawang kriminal at ikinukulong ng kasalukuyang gobyerno. Malinaw lamang na atake sa maralita ang naganap na marahas na demolisyon. Malinaw ang sabwatan ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela at pambansang ahensya ng gobyerno sa pangunguna ng DILG na siyang pangunahing tagapagsalita ng mga programang magwawasak nang kabuhayan ng maralita sa ilalim ng Programang Private Partnership ( PPP ) ng gobyernong Aquino na makikinabang sa malawakang demolisyon sa buong bansa. Inutil, mapanlinlang ang Gobyernong ni Noynoy Aquino at pamahalaang lunsod ng Valenzuela na bigyan ng desenteng tirahan, trabaho at kabuhayan ang mamamayan. walang aasahan ang mamamayan sa kasalukuyang gobyernong agsisilbi lamang para sa kapakanan ng iilang mga mayayaman kundi ang kanilang lakas at pagkakaisa upang igiit ang kanilang mga lihitimong karapatan at patuloy na magbabarikadang bayan upang ipagtanggol ito. Itigil ang malawakang demolisyon! Katarungang para sa mga mamamayan ng Hulo dulo bignay! Katarungang para sa iba pang biktima ng demolisyon! Palayain si Ricardo Gagap ! Ipaglaban ang desenteng at nakabubuhay na tirahan! Mamamayan magkaisa ipagtanggol ang bahay at kabuhayan ! Sagot sa Demolisyon Barikadang bayan! KADAMAY VALENZUELA
Posted on: Sun, 07 Jul 2013 10:01:56 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015