Maraming tao ang hindi marunong makuntento kung anong meron - TopicsExpress



          

Maraming tao ang hindi marunong makuntento kung anong meron sila. Gusto nila nasa kanila lahat, pero ang hindi nila alam yung mga bagay na pinabayaan nilang mawala yun pa pla yung pinakaimportante para sakanila. Minsan mas binibigyan nten ng importansya yung mga taong nasa paligid naten kasi sila yung palaging nandyan at sila rin yung madalas na nagpapasaya sa atin. Meron nga tayong mahal pero madalas malayo naman sila, madalas hindi nila nagagapanan ng maayos yung mga dapat ginagapanan nila, at maaari ding masyado silang busy sa ibang bagay, para bang nawawalan na sila ng oras na nakalaan para sa relasyon niyo. At dahil dito maari maghahanap ng ibang atensyon sa ibang tao at malamang kung sino pa yung nagpapasaya sayo, siya pa yung magbigay solusyon sa problema mo at gampanan yung mga pagkukulang ng mahal mo. Ikaw ba kung papipiliin kita san ka mas magiging masaya? "Sa taong alam mo na malapit sayo at ginampanan kung ano yung naging pagkukulang ng mahal mo?" O "Yung mahal mo na nagkulang?" Kahit kailan hindi naging sapat na dahilan siya yung nandyan at nagpapasaya sayo "SA NGAYON". Ipagpapalit mo ba yung panandaliang kaligayahan kaysa sa pangmatagalan na pagmamahalan? Minsan alam mong may gusto na yung tao sayo pero pinagpapatuloy mo paren hanggat sa mahulog siya sayo ng tuluyan. Paano kaya kung mahulog talaga siya sayo? Handa ka bang saluhin siya lalo na kung alam mong nasa loob ka ng isang relasyon? Dyan nagsisimula yung mga bagay alam mong tama na nagiging mali. Magmamahal ka tapos kapag nagkulang, hahanapin yung kakulangan sa ibang tao. Wag kang mangamit ng tao para lang sumaya ka, intindihin mo rin yung nararamdaman nila. Mahirap magdesisyon pero alam naman natin kung ano yung tama at mali. Minsan sinasabi nating tama ang isang bagay kasi nakahanap tayo ng dahilan para maging tama ito, pero alam mo sa sarili mo na humanap ka lng nagdahilan para maging tama yung kamalian na ginawa mo. "Kahit kailan hindi naging tama ang mali. Matutong magdesisyon ng tama, nasa huli ang pagsisisi." -Admin Phil
Posted on: Sat, 20 Jul 2013 04:29:06 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015