Marian at Piolo produ kahit ekstra lang kay Vilma SHOWBIZ UPDATE - TopicsExpress



          

Marian at Piolo produ kahit ekstra lang kay Vilma SHOWBIZ UPDATE Ni Nora Calderon (Pang-Masa) Love na love ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang kanyang first indie film na Ekstra: The Bit Player na kapag ipinalabas ito sa iba’t ibang international competitions, willing pala siyang humanap ng oras para maka-attend kahit napaka-hectic ng kanyang schedule sa Batangas. Matapos manalo ng kanyang first best actress award in an indie film, parang bago lahat ito sa kanya at feeling producer na rin siya. Pero nilinaw ng Star for All Seasons sa presscon na hindi siya producer kahit nalagay ang name niya sa credits as producer. Pero inamin ng lawyer producer ng Quantum Films na si Atty. Joji Alonso na hindi nagpabayad ng talent fee niya si Gov. Vi at siya pa ang nagbigay ng token gifts sa mga artistang nag-extra dahil hindi rin sila nagpabayad ng talent fee. Tulad nina Marian Rivera at Piolo Pascual, ang makasama raw lamang sa isang project si Gov. Vi ay isa nang honor sa kanila at hindi sa talent fee na ibibigay sa kanila. Ang Ekstra ay kabilang sa Director’s Showcase category ng Cinemalaya Independent Film Festival at nanalo rin ng iba pang awards pati na ang best supporting actress for Ruby Ruiz. Sa Wednesday, Aug. 14, mapapanood ang movie na dinirek ni Jeffrey Jeturian in cinemas nationwide as part ng 20th anniversary ng Star Cinema.
Posted on: Sun, 11 Aug 2013 01:01:09 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015