Mario Rizaldo Cagulada @Mang Kepweng - Tips naman po para sa 2 ybs - TopicsExpress



          

Mario Rizaldo Cagulada @Mang Kepweng - Tips naman po para sa 2 ybs ko. 2 month old na kasi cla. Hindi pa cla nakakaronda. Pano po yung pag train sa kanila para po hindi madagit at para po pumasok agad sa loft . Feel free to share din po sana yung ibang may alam. Thanks! Like · · Unfollow Post · Share · 2 hours ago Ariel Jerichö Gönatice eto copy ko. gngawa ko sa mga yb ko. Para sa lahat na rin itong sagot ko para iwas sa fly away. 1) 24 days na idad ng ibon bigyan mo ng galamycin for 5 days ang sa tubig (1 tea spoon per half gallon of water) no vitamin, grits etc. (feeds must be small and shinny, more on protein up to 40 days) 2) 30 days ng ibon bigyan mo b-complex 2 x a week up to 40 days lang. 3) kapag ang kulay ng mata ay di pa malinaw mag bigay ka ng A&D vitamin. 2 x a week din yan. Ang grits ay ibibigay mo pag dating ng idad na 35 days na ang ibon, minerals kasama rin. A) 26 days ng ibon ilagay mo sa landing board ang ibon wag mong idadaan sa landing board dahil matutunan nila ang pag labas sa trapdoor ok dapat matutunan lang nila ang pag pasok sa loob. Panatilihin mo sila ng 30 to 1 hour sa labas, pag pasok nila sa loob ng loft mo mayroon nakahanda na food nila at tubig na maligamgam wag malamig na tubig ok. 27 to 29 days ng ibon same ilabas mo ang ibon turuan mong pumasok agad sa loob gumamit ka ng stick i guide mo sila sa pag pasok sa buntot mo hahawiin ang ibon wag sa katawan oh ulo, kung mataas ang babagsakan ng ibon sa loob ng loft lagyan mo ng foam or something na malambot para di madamage ang ano mang bones sa body ng ibon. 2 to 3 x mong ilalabas at papasukin ang ibon dapat mag karoon sila ng takot don sa hawak mo na stick para pag nakita agad nila alam na nilang papasok na sila. C) 30 to 37 days start at 12 ng tanghaling tapat ilabas mo sila pabayaan mo ng 30 minutes sa labas then papasukin mo gamit ang stick mo or pito kailangan pumasok sila pag dating ng 30 minutes na sa labas sila. Fresh water lang wag malamig ok. mag adjust ka sa feeding time so 12:30 don mo lang papakain ang ibon na tinuturuan mo. D) 38 to 45 days same time 12 ng tanghali ilabas mo sila pabayaan mong pumasok ng kusa tignan mo ang orasan mo kung anong oras sila papasok sa loob kapag nakita mo ang tinigal nila ay 30 or 35 minutes sa labas at pumasok na sa loob ok yan alam na nila ang routing time nila. hayaan mong mag exercise sila dahil di tatagal sila sa labas pag mainit they will fly pero konti lang, learn to log ang time na tinagal nila sa labas at nilipad nila until they reach 45 days. ok pag ang ibon na ikot na ng 5 to 10 minutes ok lang yan wag na wag mong isasabay ang mga old bird mo.. hayaan mong mag kusa silang lumipad at bumalik tandaan mo pag lumapag sa landing board show your stick agad oh tawagin mo sila para pumasok agad .. Food available at fresh water wag na wag mong kalilimutan dapat pag pasok nila mayroon na ron ok.. 46 day ng ibon lagyan mo ng paliguan sa labas hayaan mong maligo sila at maglaro lang give them free time wag mong papasukin hayaan mong mag kusa silang pumasok.. (Tubig lagyan mo ng pigeon bath salt 2 spoon haluin mo) E) 47 to 54 days mapapansin mo ang kulay ng mata ng ibon ay mag babago magiging mas makintab na, nagiging matured na ang color ng mata nila at ang feathers nila. start na palabasin mo sila ng 4:30 ng hapon same thing pag baba mula sa ronda papasukin mo agad, dito mag obserba ka kung sa 20 birds isang ibon laging late pumasok ilista mo ang band number niya. F) 55 to 65 days palabasin mo ng 10 ng umaga dito adjust ka ng feeding time so mula sa tanghalian tapat ang pakain gagawin mong pag katapos ng ronda sa 10 ng umaga sa hapon ang pakain ay 6:00 ng hapon wag mong imintis yon. same thing pag baba papasok agad wag patagalin sa labas ok. 66 days ng ibon yong laging huling pumasok na ibon sa loob ng loft palabasin mo siya muna siya ang unang lilipad pag ronda niya ng 5 minutes pawalan mo ang isa, then 5 minutes uli then pawala ka ng 2 na ibon , wait for 5 minutes pawalan mo ang 5 birds, tapos 3 minutes pawalan mo yong natitira.. gawin mo to ng 5 days lang, mapapansin mo yong pasakit sa ulo mo na ibon malakas ang resistensiya niya madaling papasok na sa loob ng loft simpleng parusa para mag tanda siya at malaman niya na dapat pag baba ng landing board mula sa exercise dapat pumasok agad, yong last 70 day ng ibon ilagay mo sa basket silang lahat lumayo ka sa loft mo then palabasin mo sa basket. wag kang mag papatambay ng ibon sa labas para iwas sa sakit. G) 71 days ng ibon start sa early morning 5:45 AM or 6:00 AM labas na sila ronda change ka na ng feeding time uli..do it for 2 weeks, then Morning and afternoon exercise na.. 6 AM and 4:30 PM continue.. pag naka 2 weeks na sa ganon oras start the road training na. start at 3KM muna ng 12 ng tanghali one time lang. then rest back to normal loft flying. pag naronda na sila ng 5 days uli back to basket 15 km agad 10 AM mo sila bitiwan, then same uli back sa loft flying 5 days uli then 35 km na, same uli, then baba sa 10 km tapos isang bato sa 50 km ok na yan.. Go ka na sa club training kung nasa 100 na sila ok lang yon or nasa 80 km na sila ilagay mo lang ang ibon mo hindi sila mahihilo sa training tandaan mo pag balik ng ibon mula sa training dont give food bigyan mo lang ng Bio-tea with 1 spoon of honey. after 5 minutes na rest pakainin mo wag mong bubusugin, then kinabukasan paliguan mo lang sila hayaan mong maglaro sa tubig.. Mawawalan ka lang ng ibon pag ninakaw pero sa ronda hindi ops, pag ang ibon ay nababa ang paa sa loob ng 20 to 25 minutes na ronda tignan mo ang bibig niya agad wag mong paiinumin ng tubig ok.. then tell me kung anong nakita mo .. pag naronda ang mga ibon malalaman mo ang ibon na may defect tandaan mo obserbasyon lang yan.. Pakisunod lang para di ka maiyak sa mga ibon mo.. One more thing pag masdan mo ang lahat ng mga breeder mo pag ang ibon na laging nababa ang mga pakpak sa hips nila alisin mo na yon.. kahit pa line ng Champion or champion pa siya, that bird will not produce good racer. may defect sa loob yan mapapasa lang niya sa magiging anak niya, konti ang chances na makakuha ka ng mainam na racer sa lahi niya.. about an hour ago · Like · 2 Mario Rizaldo Cagulada ty 53 minutes ago · Like
Posted on: Wed, 03 Jul 2013 12:42:41 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015