Mas mahalaga pa sa diyamante... ISANG araw ay napansin ni - TopicsExpress



          

Mas mahalaga pa sa diyamante... ISANG araw ay napansin ni Muhammad Ali (sikat na boksingero) ang kanyang anak na si Hana na nakabihis ng damit na sobrang seksi—nakikita ang cleavage ng suso at isang maling hakbang lang ay makikitaan na ito ng panty dahil sa sobrang ikli ng kanyang palda. Nakangiting nilapitan ng ama ang kanyang dalaga at nagsalita: Ang lahat ng mahahalagang bagay na nilikha ng Diyos ay nilalagyan niya ng takip o kaya ay itinatago sa lugar na malalim. Saan mo matatagpuan ang diamond? Di ba sa pinakailalim ng lupa? Ang perlas ay nasa pinakailalim ng dagat na pinoprotektahan pa ng matigas na shell. Ang ginto, ilang layers ng matigas na lupa ang kailangang tibagin para ito mahukay? Hinawakan ni Muhammad Ali ang kamay ng anak: “Anak, your body is sacred. Ang iyong katawan ay mas mahalaga kaysa diamond, perlas at ginto kaya mas kailangan mo itong ingatan at takpan.” via Ako C Kim heart
Posted on: Tue, 16 Jul 2013 07:29:13 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015