Maseselang video sa trahedya, binalaan Abante News | - TopicsExpress



          

Maseselang video sa trahedya, binalaan Abante News | online TUESDAY, November 12, 2013 Nagbabala kahapon ang pamunuan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa mga television networks na maging sensitibo sa pagpapalabas ng kanilang mga video, partikular ang bangkay ng mga nasawi sa hagupit ng bagyong ‘Yolanda’ sa Eastern Visayas. Ayon kay MTRCB chairman Atty. Eugenio Toto Villareal, naiintindihan nila ang intensyon ng mga television networks sa pagpapalabas ng mga video na may kinalaman sa pagsalanta ng bagyo. Posible umano itong magdulot ng trauma at pangamba sa mga kaanak ng mga biktima na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nila nakakausap ang kanilang mga mahal sa buhay. “The appeal is prima­rily to current affairs as to which we have jurisdiction,” ayon pa sa Twitter account ng MTRCB. ­(Joselito Perez) Unknown
Posted on: Mon, 11 Nov 2013 16:56:46 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015