Matthew 13: 20 The seed falling on rocky ground refers to someone - TopicsExpress



          

Matthew 13: 20 The seed falling on rocky ground refers to someone who hears the word and at once receives it with joy.21 But since they have no root, they last only a short time. When trouble or persecution comes because of the word, they quickly fall away. 22 The seed falling among the thorns refers to someone who hears the word, but the worries of this life and the deceitfulness of wealth choke the word, making it unfruitful. Mateo 13: 20 "Ang katulad naman ng binhing nalaglag sa mabatong lupa ay ang taong dumirinig ng mensahe. Kaagad at masaya niya itong tinanggap 21 ngunit hindi tumimo ang mensahe sa kanyang puso. Sandali lamang itong nanatili, at pagdating ng mga kapighatian at pagsubok dahil sa mensahe, agad siyang tumatalikod sa kanyang pananampalataya. 22 "Ang binhi namang nahulog sa may damuhang matinik na halaman ay naglalarawan ng mga taong dumirinig ng mensahe ngunit dahil sa pagkabalisa sa maraming mga bagay at pagkahumaling sa kayamanan, ang mensahe ay nawalan ng puwang sa kanilang puso at ito ay hindi nagkaroon ng bunga sa taong iyon. - A blessed Friday to all of us dear brothers and sisters in Christ. Salamat sa ating Diyos sa kalakasang ipinagkaloob niya sa atin sa isang buong linggo upang ang mga hamon sa buhay na ating kinahaharap ay ating mapagtagumpayan ng may Katiyakan. Sapagkat sa mga taong nagpapakumbaba at nagpapasakop sa Salita ng Diyos ay nagkakaroon ng katiyakan sa buhay. Paano? Sapagkat sa Diyos , sa Salita ng Diyos ay may Katiyakan. Ang Diyos na nakakaalam ng lahat ng bagay sa ating buhay. Ikaw at ako, tayong lahat ang alam lamang natin ay ang kahapon at ang kasalukuyan, subalit tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam ng kinabukasan. Kaya kung nagdesisyon kang iayon at ipaayon ang iyong buhay sa Salita ng Diyos, sa ating Panginoong Hesus, makatitiyak kang ang magandang plano ng Diyos sa iyong buhay ay pararatingin ng Diyos. Kaya naman sa araw araw, panatag ang iyong kalooban, na sa lahat ng nangyayari sa iyo ay nananalig ka at nagtitiwalang kasama mo ang Diyos na gumagawa para sa iyong ikabubuti. Hindi ka magrereklamo sa buhay sapagkat ang mga anak ng Diyos na tunay na tumanggap at sinasabing kaisa ni Kristo ay isang mapagpasalamat na tao. Pinasasalamatan niya na nagkaroon siya ng asawang maalaga sa mga anak.. nagkaroon siya ng asawang ang kagandahan ay naroon sa panloob na katangian. Nagpapasalamat siya ang kanyang mga anak ay pinalalaki ng kanyang asawang nagsisikap na ipakilala ang mga anak sa Salita ng Diyos. Sa halip na maging palalo at mayabang sa mga tinatamasa sa buhay, ay ipinagsisigawan niyang hindi dahil sa kanyang sariling sikap kaya siya nagtatagumpay, kung hidni dahil sa Diyos na may pahiram ng kanyang buhay, lakas, talino, at karunungan. Yes my brothers and sisters, balik balikan natin ang paliwanag ng Panginoon sa talinhaga ng manghahasik ng binhi. Ito ay ating pinagninilayan hindi upang husgahan ang ating kapwa, ito ay ating gagamiting personal na salamin ng ating buhay. Nakita na ng Panginoon na mayroong mga nakikinig ng Mabuting Balita na nagiging masaya subalit ito ay pinakinggan lamang niya sa kanang tenga at lumabas sa kaliwa. Ito ang mga nagsisimba nakikinig sa simbahan subalit hindi tumimo ang kanyang narinig sa kanyang puso. Kaya nung hindi agad natugon ang kanyang mga hinihiling sa Panginoon ay tumigil na sa pagsisimba at nakalimutan na ang kanyang pananampalataya. Nakarinig lamang ng masakit na pananalita ng kapwa , nasagi lamang ang kanyang damdamin ay hindi na nagsimbang muli. Hindi niya na naalala ang sinabi ng Panginoon na ibigin mo ang iyong mga kaaway. Bakit? Sapagkat hindi ito tumimo sa kanyang puso. Sapagkat ang Salita ng Diyos na titimo sa ating mga puso ay lalabas ito sa ating mga bibig. At dahil walang tumimo sa kanyang mga napakikinggan ay Itinatanong niya bakit ganito ang nangyayari sa buhay niya ganoong nagsisimba naman siya, umaattend sa prayer meeting, nagrorosaryo naman siya. At ganoon na ang resulta, Tinalikuran niya ang kanyang pananampalataya sapagkat hindi tumitimo sa kanya ang kanyang naririnig. Ang motibo marahil ng kanyang pakikinig ay hindi upang mapunuaan ang kanyang pagkauhaw na mapasalamatan ang Diyos at mapakinggan ang mensahe ng Diyos na nais niyang isabuhay. At ang isa naman na binhi o Salita ng Diyos ay naitanim o nahulog sa may damuhang matinik na halaman. Ito naman ang mga nakikinig ng Mabuting Balita, dumadalo sa pagsisimba, sa mga prayer meetings, at noong siya ay ma answered prayer na, noong tinugon na ang kanyang kahilingan, ay nakalimutan na niya ang Salita ng Diyos. Noong pumasa na siya sa board exam hindi na muling nagsimba pa.. Noong binigyan na siya ng trabaho, ang kanyang paliwang sa sarili o maging sa kanyang kapwa, busy na ako sa trabaho, lagi na kaming overtime, oo nga naging busy na ako, hectic na ang schedule ko, nakalimutan niya noong nangangailangan siya ay sa kanyang pananalangin at pagbigay ng Panahon sa Diyos ang naging susi at pinanggalingan ng kaganapan ng kanyang mga kahilingan. He or She already forgot that God is giving us our good gifts for us to get closer to Him and not to abandon His Words and the time He is asking for us. Sapagkat alam ng Panginoon na kung ikaw , ako , tayong lahat , na kung tayo ay hiwalay sa Diyos ay wala tayong magagawa. Hindi natin makikita ang kagandahan ng ating trabaho kung binabalewala natin ang Diyos. Kaunting dagdag sa trabaho na ibibigay sayo ng boss mo ay reklamo na agad ang gagawin mo, maghahanap ka agad ng dagdag sweldo, magdadabog kana at makikipag away na sa email, bakit? Sapagkat ninakaw na ng iyong pagyakap sa trabaho ang aral na ibinigay sayo ng Diyos. Noon sinasabi mong kahit ano na lang na trabaho tatanggapin mo kakayanin mo, ngayon Nakalimutan mo nang kasama mo ang Diyos dahil sa iyong pagkaabala at pagkabalisa. Itong binhi na napunta sa matinik na halaman ay tumutukoy sa mga taong humingi ng negosyo sa Panginoon, napagkalooban ng negosyo, noong nagkaroon na ng negosyo, isang linggo nakabukas na, ayaw ng magpahinga, gusto ng kumita ng kumita, nakalimutan na ang panahong dati niyang ibinibigay sa Diyos noong siya ay magsimulang mangarap. Mga kapatid, alam ng Diyos ang lahat sa ating buhay. Walang nalilihim sa kanya. Talastas ng Panginoon ang nilalaman ng ating puso, ang motibo ng ating puso, at kilala din niya ang mga tumatalikod sa kanya, at ang mga nagpapatuloy sa kanya. Anuman ang ating kalalagayan mga kapatid, alamin mong mahal na mahal ka ng Diyos. Ito ay kanyang ipinaliwanag hindi upang tayo ay hatulan, bagkus upang makita at masalamin natin ang ating buhay. At kung nasuri mo ang iyong sarili, do not be afraid to humble yourselves before the Lord, aminin at pagsisihan sa harap ng Diyos na matagal kang napalayo sa kanya. Na matagal mo nang ginagawang pangalawa lang o kadalasan huli siya sa iyong mga priorities. At sa sandaling tumugon ka sa panawagan ng Diyos na makapagbagong buhay, aayusin ng Diyos at panunumbalikin niya sa iyong buhay ang tunay na kaligayahan. Kumbaga sa facebook ngayon, iuupgrade natin sa mas maayos, lagi mong mailalagay truly blessed, truly happy, truly Joyful, anuman ang sitwasyon ng iyong buhay pagkat ikaw ay nananalig na ang patuloy mong pinakikinggan inuunawa at tinatanggap na Salita ng Diyos ay Tunay, Tapat , at Totoo at katiyakan ng ating buhay…. Yes bro, Yes Sis, ipaayos mo ang iyong buhay sa Diyos at sasamahan ka ng Diyos na maganap ang nais mong tunay na pagbabago ng iyong buhay. Anumang package ka humarap sa Diyos, tanggap ka ng Diyos at handang baguhin ka niya bilang isang bagong nilalang na taglay ang kapayapaan, kapangyarihan, ang liwanag, at ang Pagibig ni Kristo Hesus na ating Panginoon at Tagapagligtas… Salamat o Diyos na buhay Yahweh El Shaddai, napakabait mo po at napakabuti sa amin. Hindi ka nagkukulang na kami ay paalalahanan sapagkat hindi mapapantayan ang Pagibig mo sa amin. Purihin ang iyong Dakila at Makapangyarihang Pangalan. The God Almighty… Higit sa sapat na Diyos.. Kapatid, Higit sa sapat… huwag mong hahayaan na nakawin ang pribilehiyo mo bilang anak ng Diyos. Know Jesus and His Words day and night and Live and Share your Faith in Jesus.. Sasamahan ka ng Panginoong Hesus tulad ng kanyang pangako hanggang sa wakas ng panahon. We Praise you Jesus Christ, Our Lord God Saviour and Christ Yesterday Today and Forever… We Praise you Holy Spirit, we humbly ask you to guide ourlives and take complete control of our lives… Mama Mary and to all the Angels and Saints in Heaven thank you for your continuing prayers and intercessions for us sinners… Alleluia… Purihin Purihin ang Panginoon… Purihin ang Diyos na buhay Yahweh El Shaddai… To God be the Highest Glory by the Power of the Holy Spirit in Jesus Mighty and Powerful Name.. Amen… 1+1=3 Lord Help Us Power Power Power… God Bless Us All….
Posted on: Fri, 26 Jul 2013 06:55:06 +0000

Trending Topics



body" style="min-height:30px;">
Wruff! During the night I slept half-underneath the bed, it was
THE DAWN IS CAST! Wishing You All The Best Alh. Sani Abubakar
Levítico 22 - 1. DEPOIS falou o SENHOR a Moisés, dizendo: 2.
For if you live according to the flesh, you will die; but if by
Stay connected with someone or people who inspire, nourish and

Recently Viewed Topics




© 2015