Matthew 26: 57-68 New International Version Jesus Before the - TopicsExpress



          

Matthew 26: 57-68 New International Version Jesus Before the Sanhedrin 57 Those who had arrested Jesus took him to Caiaphas the high priest, where the teachers of the law and the elders had assembled. 58 But Peter followed him at a distance, right up to the courtyard of the high priest. He entered and sat down with the guards to see the outcome. 59 The chief priests and the whole Sanhedrin were looking for false evidence against Jesus so that they could put him to death. 60 But they did not find any, though many false witnesses came forward. Finally two came forward 61 and declared, “This fellow said, ‘I am able to destroy the temple of God and rebuild it in three days.’” 62 Then the high priest stood up and said to Jesus, “Are you not going to answer? What is this testimony that these men are bringing against you?” 63 But Jesus remained silent. The high priest said to him, “I charge you under oath by the living God: Tell us if you are the Messiah, the Son of God.” 64 “You have said so,” Jesus replied. “But I say to all of you: From now on you will see the Son of Man sitting at the right hand of the Mighty One and coming on the clouds of heaven.” 65 Then the high priest tore his clothes and said, “He has spoken blasphemy! Why do we need any more witnesses? Look, now you have heard the blasphemy. 66 What do you think?” “He is worthy of death,” they answered. 67 Then they spit in his face and struck him with their fists. Others slapped him 68 and said, “Prophesy to us, Messiah. Who hit you?” Mateo 26: 57-68 AngSalita ng Diyos Si Jesus sa Harap ng mga Sanhedrin 57 Dinala si Jesus ng mga dumakip sa kaniya kay Caifas, ang pinakapunong-saserdote. Doon ay nagkakatipon ang mga guro ng kautusan at ang mga matanda. 58 Ngunit si Pedro ay sumunod sa kaniya nang hindi kalayuan hanggang sa patyo ng pinakapunong-saserdote. Siya ay pumasok sa loob at naupong kasama ng mga tanod sa templo upang makita kung ano ang magaganap. 59 Ang mga pinunong-saserdote at ang mga matanda at ang buong Sanhedrin ay naghanap ng mga huwad na patotoo laban kay Jesus. Ito ay upang maipapatay nila si Jesus. 60 Ngunit sila ay walang makitang sinuman bagamat maraming mga huwad na saksi ang nagkusa. 61 Subalit sa wakas, lumapit ang dalawang huwad na saksi na sinasabi: Sinabi ng lalaking ito: Kaya kong wasakin ang banal na dako ng Diyos at sa loob ng tatlong araw ay itatayo ko itong muli. 62 Tumayo ang pinakapunong-saserdote at sinabi sa kaniya: Wala ka bang isasagot? Ano itong ipinaparatang ng mga saksing ito laban sa iyo? 63 Ngunit si Jesus ay nanahimik. Sinabi ng pinakapunong-saserdote sa kaniya: Inuutusan kita sa pamamagitan ng buhay na Diyos. Sabihin mo sa amin kung ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos? 64 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Tama ang iyong sinabi. Gayunman, sinasabi ko sa iyo: Mula ngayon ay makikita mo ang Anak ng Tao na nakaupo, siya ay makikita mo sa kanang kamay ng Makapangyarihan at dumarating sa mga ulap ng langit. Nilibak ng mga Kawal si Jesus 65 Pinunit ng pinakapunong-saserdote ang kaniyang damit. Sinabi niya: Siya ay namusong. Bakit kailangan pa natin ang mga saksi? Narito, narinig ninyo ang kaniyang pamumusong. 66 Ano ang palagay ninyo? Sumagot sila: Siya ay nararapat na mamatay! 67 Dinuraan nila ang mukha ni Jesus at siya ay pinagsusuntok. Pinagsasampal siya ng iba. 68 Kanilang sinabi: Ihayag mo, Mesiyas! Sino ang sumampal sa iyo?
Posted on: Sun, 26 Jan 2014 13:25:44 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015