McDo September 6, 2013 at 10:41am i was washing dishes in the - TopicsExpress



          

McDo September 6, 2013 at 10:41am i was washing dishes in the kitchen when i heard this interesting sound. so i rushed to the living room to check it out. commercial pala ng McDo (July 2001). Naiyak ako hindi dahil sa theme ng advertisment na talaga namang touching , kundi dahil sa kanta (KANLUNGAN, Noel Cabangon). naalala kasi kita. NATATANDAAN MO PA BA, NOONG TAYONG DALAWA AY UNANG NAGKITA.. Transfer 3rd year student ako nun sa school nyo at ikaw naman, graduating. Nung una nagtataka ako bat lahat ng babae, ikaw ang pinaguusapan. ng makita kita, nasabi ko na lang sa sarili kong, dapat lang na bukang bibig ka nila. ikaw yung tipong di nakakasawang tignan, gwapo ka pero ikaw yung lalaking hindi mapagkakamalang bading. nagkabuguan tayo nun sa hagdan. paakyat ka at pababa ako. hinahabol ka ng ex mong nangungulit makipagbalikan sayo. at sabi mo na lang, tigilan ka na nya kasi may iba ka na, nang tanungin nya kung sino, ang sabi mo, ako. at dun nagsimula ang tawagan nating MAHAL. LUMILIPAS ANG PANAHON, KASABAY NG ATING GUNITA.. at nagulat na lang tayo na kinabukasan, alam na ng lahat ng tayo. kaya ang sabi mo, panindigan na lang natin ang lahat. pero ang hindi mo alam, sa twing magkasabay tayong kakain twing lunch, twing hahawakan mo ang kamay ko pag naglalakad tayo sa corridor, sa twing hahalikan mo ako sa pisngi pag uwian na. sa twing ngingitian mo ako twing magkikita tayo twing umaga. twing ipapakilala mo akong girlfriend mo sa mga kasama mo, unti unting nahuhulog ang loob ko sayo . na sa lahat ng kasinungalingang ginawa natin, isa lang ang totoo. ang minahal kita, ng buong buo. ANG MGA PUNO AT HALAMAN, BAKIT KAILANGANG LUMISAN? 2 linggo bago ang graduation nyo, pinagtapat ko sayo ang nararamdaman ko. hindi ko alam kung bakit, pero hindi ka na lang kumibo at nagwalk-out. kung gano kabilis kumalat na tayo, ganun din kabilis kumalat na hindi na tayo. iniwasan mo na ako at hindi na kinausap ulit. next school year, bumalik ka sa school para kunin ang school papers mo. tinanong mo raw ang bestfriend ko kung may boyfriend na ako. natawa ka lang daw sa sagot nyang, “wala. kasi mahal ka pa rin nya.” at yung na ang huling beses na nakita kita. After 7 years, nagulat na lang ako ng bigla kang tumawag sakin. sabi mo niresearch mo pa talaga ang number ko para lang sabihing ikakasal ka na sa babaeng inamin mong di mo mahal pero nabuntis mo kaya wala ka ng magawa. ibinilin mo na wag na wag akong mawawala. pumunta naman ako sa address na ibinigay mo sa araw ng kasal mo. pero ng tataka ako bat apakatahimik sa bahay nyo, at parang walang mangyayaring kasalan. sinalubong ako ng mama mo, umiiyak. nagsuicide ka daw, and you left a note for me saying: MAHAL, i’d rather go to heaven kesa hindi ikaw ang iharap ko sa altar. oo mahal kita, dati pa. naduwag lang akong ng naunahan mo akong umamin. sasabihin ko naman sana sayo kaso hindi ako makakuha ng lakas ng loob. hintayin na lang kita dito sa langit.- MAHAL panapanahon ang pagkakataon, MAIBABALIK BA ANG KAHAPON.. - erica
Posted on: Fri, 06 Sep 2013 02:55:11 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015