Mga Minamahal na QCI Alumni at mga Kababayan! Nandito na naman po - TopicsExpress



          

Mga Minamahal na QCI Alumni at mga Kababayan! Nandito na naman po kami lumalapit sa inyo para humingi ng tulong. Sa madaling sabi, pwede po ninyong isipin na kami ay muling namamalimos. Ang kaibahan lang po nito ay pwede po nating tawagin itong “Palimos for a cause.” Palimos para sa pangarap. Palimos para sa karangalan. Ang lahat po ng paghingi namin ng tulong mula pa sa simula ay para sa mga estudyante at atleta ng Quezon, Quezon. Nakarating ang inyong mga tulong sa Alaska Cup at Coca-cola Cup sa Alabang, Lumabay-labay Cup sa Los Banos at sa summer sports clinics ng mga nagdaang buwan at taon. Sa pagkakataon pong ito ang paglapit namin sa inyo ay para sa Milo Little Olympics o Milo Cup kung saan ang mga estudyante at atleta lamang ng isang paaralan ang pwedeng makalahok. Kung kaya’t sa ngayon po ay puro estudyanteng atleta lamang ng QCI ang aming dadalhin. Mas marami pong games ang lalahukan ng ating mga atleta sa Milo Cup na gaganapin ngayong Agosto 31-Sept. 1, 2013 tapos ay sa Sept. 7-8, parehong sa Marikina City. Hindi lang po ito football gaya ng Alaska Cup, Coca-cola at Lumabay-labay Cup. May teams din po tayo sa athletics, sepak takraw, lawn tennis, table tennis at badminton. Humigit-kumulang po ay 60 atleta, bukod pa sa coaches at support staff ang kasama sa delegasyon ng QCI. At syempre, hindi rin po libre ang pamasahe, pagkain, uniforme, sapatos at iba pang gamit ng mga atleta. Dito po sa Milo Cup ang patakaran ay single eliminations sa Agosto 31 at Sept. 1. Ibig sabihin, pag natalo ka sa una at mga susunod na laban ay tigil ka na at manonood ka na lamang sa mga kasunod na laban. Uuwi ka na pagkatapos. Kapag nanalo ka naman sa mga elimination, babalik ka uli sa Sept. 7-8 para sa championship games. Pwede pa po ba ninyo kaming tulungan uli? Meron na pong mga nagpadala ng ambag na pera at may mga nangakong magpapadala, kaya lang kailangan pa naming magsolisit para maabot namin ang badyet na hindi bababa sa P60,000.00 Ang mga atleta po mismo at mga magulang nila ay nagtutulong-tulong ngayon para maabot namin ang badyet Ipinapangako namin sa inyo na sulit po ang tulong na iaabot ninyo para sa mga atleta natin. Hindi po namin ipinapangakong mananalo silang lahat kahit sa una nilang laban. Subali’t manalo man o matalo ang alinman sa kanilang teams, sa tingin po namin ay panalo pa rin, dahil marami silang matutunan, madaragdagan ang kanilang karanasan at mahahasa ang kanilang kahusayan sa paglalaro. Samahan po ninyo kami sa mga pagsisikap na ito. Karangalan ng bayan ng Quezon, Quezon ang nakataya dito. Kaya, tinatawagan po namin ang mga kababayan natin sa Metro Manila, lalo na ang mga nasa Marikina, na panoorin po ninyo ang mga atleta natin. Magsidating po kayo mula sa umaga ng Agosto 31, Sabado. Kung gusto po ninyong magdala ng malamig na tubig ay taos-puso po naming pasasalamatan. (Huwag po ang softdrinks, maliban kung tapos na ang mga laro nila.). Higit sa lahat po, ang inyong cheering o pag-iingay habang sila ay naglalaro ay magpapasigla sa kanila. Sa madaling sabi ay ang inyong Moral Support! Magkita-kita po tayo sa Marikina. Malay ninyo, may bumalik pa sa kanila at magkita-kita uli tayo sa Sept 7-8! Iyan po ay posible dahil sa inyong mahalagang suporta at tulong! Salamat pong muli! Mabuhay po ang mga taga-Quezon, Quezon!
Posted on: Thu, 22 Aug 2013 17:15:49 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015