Mga mahal kong Kababayan Saan mang sulok ng Mundo lalong na dito - TopicsExpress



          

Mga mahal kong Kababayan Saan mang sulok ng Mundo lalong na dito sa Japan. Kumakatok po ako sa inyong mga puso na tulungan ang aging mga Kababayan sa Lungsod ng Zamboanga. Noong Sept. 9 po ay ang nagkaroon ng Gera hanggang Sept. 23. Mahigit sa 100,000 na Tao ang inilikas at dinala sa mga eskuwelahan at sports complex. Binigyan sila ng tents para doon mapanatili habang karamihan sa mga Bahay nila ay sinunog/ nasunog sa gitna ng bagbakan. Maraming mga civilians ang hinostage ng rebelde . Hindi nakakatulog ng maayos, takbo dito, takbo doon. Nang Medyo humapaw na ang bagbakan noong Sept. 24, Akala ng mga Tao ay magkakaumpisa na silang bumangon ngunit dumating ang malakas at walang toil na ulan sa buong lungsod sa loob ng apat na Araw at nalubog ang mga Bahay sa Baha. Walang trabaho at income ang mga Tao..nagugutom ang lahat ng Tao. Panahon na po para magkasama tayong lahat. Tulungan natin sila. Kahapon po ay nagpadala ako ng P81,000. Sa Red Cross Administrator Mr. Victor Liozo Para sa bigas at konting cash para sa 30 na pamilya.Galing po ang parang yon sa mga na solicit ko dito sa Japan at America. Kaninang 2:00 PM po ginanap ang distribution ng 53 sacks of rice (25kgs.) at konting pera sa 30 na pamilya. Ipagpatuloy po natin ang tulong sa iba pang mga biktima. Tumitingin po sa atin ang panginoong Diyos at siya na pong bahala sa atin. You can send your donation to my Japan Post Office Account: Code: 10700, Account No. 24254801. Thank you and Godbless
Posted on: Thu, 10 Oct 2013 08:25:27 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015