Mga unfortunate events na fortunate naman kung titingnan s - TopicsExpress



          

Mga unfortunate events na fortunate naman kung titingnan s positive side: 1. 6am. Wala na ako money kagabi pa. Gutom na ako. Sahod ko ngayon so makakawithdraw ako para makabili ng breakfast. Yun pala naiwan ko atm card ko overnight sa photocopy machine. Buti nalang may nakakita at iningatan ito hanggang s makita nya ako uli. At buti nalang may kaunting barya pa ako para makabili ng tinapay at milo. 2. 10am. Nag-park ako s 7 eleven at tumawid ako sa kabila ng kalye para magwithdraw. Pinatawag ako ng guard ng 7-11 nang ipapasok ko na atm s slot. Hindi ako naka-withdraw. Inabot ako ng siyam-siyam s pagtawid papunta s banko, at inabot uli ako ng siyam-siyam sa pagbalik s pinaradahan ko. Pagdating ko sabi ng guard bakit daw ako nag-park doon at tumawid sa kabila. Pinaghinalaang carnap yung motor ko. Buti nalang nagpray ako kaninang umaga na maging mahinahon ako ngayong araw na ito. Doon ko sana balak bumili ng pagkain pagka-withdraw ko kaya lng pinaalis nya ako e. 3. 11am n ng makarating ako sa banko dahil sa traffic. Nasa tapat lng sya ng 7-11 pero kailangan ko muna lumayo at mag U-turn para makapunta sa banko ng naka-motor. Pag alis ko ng banko traffic na. Kaya ako pumarada sa 7-11 para hindi ako ma-traffic. Kinuha ko si motor kasi nga ayaw nila iwan ko motor doon. Dumaan ako sa kanang bahagi ng bus, sa pagitan nito at ng sidewalk. Makapal ang ispalto sa gawing iyon. Gumawi sa kanan ang bus at maiipit ako kaya huminto ako. Pag hinto ko malalim pala yung gutter sa sidewalk dahil nga makapal yung ispalto kaya d umabot paa ko. Tumba ako at si motor. Buti nalang nakahinto na ako. At may mga nagmagandang loob na ibangon ako at tinanong kung ok ba ako. 4. Pagdating ng lunch break, mabilis akong tumakbo sa canteen dahil gutom na ako. Umorder ako ng isang rice at binagoongan. It turned out hindi marunong magluto ng binagoongan yung cook ng canteen. Hindi sya pink. Gray siya. At hindi sya lasang binagoongan para lng akong kumakain ng karne na nilagyan ng hilaw na patis. Naisip ko ang mga walang makain. Mapalad pa ako dahil nasa isang canteen ako, may mainit na bagong saing, u lutong ulam at sabaw. Wala akong karapatan magreklamo. 5. Pagdating ko dto sa studio sinalubong ako ng fix up. Nanlumo nanaman ako sa fix up na ito. Kala ko tapos na ang department namin sa project na ito. Buti nalang madali lang ang animation calls. Konting adjustments lng ayos na. 6. Nag-pray ako kaninang umaga na mas higit ko pang maging mapagtimpi at pasensyoso. Pero puro ikagagalit ko ang nangyari sa akin ngayong araw na ito. Pero napagtanto ko, hindi ako nagalit. Pinakinggan ang panalangin ko. In-expose Niya ako sa mga bagay na nakaka-inis para turuan akong kontrolin ang temper ko. :)
Posted on: Fri, 05 Jul 2013 13:03:23 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015