Mid-Day News Monitoring Report January 21, 2015 GPH-MILF 2 - TopicsExpress



          

Mid-Day News Monitoring Report January 21, 2015 GPH-MILF 2 MNLF factions support draft Bangsamoro law – ABS-CBN News / Regions Writer: Jess Diaz, The Philippine Star MANILA, Philippines - Two factions of the Moro National Liberation Front yesterday supported the draft Bangsamoro law, which is the result of government peace talks with the Moro Islamic Liberation Front (MILF), a breakaway group of the MNLF. The MNLF factions expressed their support during the 35th hearing conducted by the House special committee on the Bangsamoro Basic Law (BBL) chaired by Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez. “We welcome the support of the MNLF. It has always been our position that the proposed Bangsamoro Basic Law is not only for the MILF but for all Bangsamoro, Muslims, Christians and lumads, and all other groups and sectors in Mindanao,” Rodriguez said. The MNLF factions that attended the hearing were those led by Abul Khayr Alonto and Muslimin Sema. Another faction, led by MNLF chairman Nur Misuari, did not send a representative. Alonto said they are for the full implementation of the comprehensive and the framework agreement on the Bangsamoro. He cited a statement by Pope Francis that the peace process could result in just solutions that take into account the inalienable rights of the people. Alonto presented proposals that he said could improve the draft law. He said the sharing between the national government and the envisioned Bangsamoro region on mineral exploitation should be the same as the Malampaya natural gas project sharing arrangement. He said the Bangsamoro Basic Law should ban any form of gambling in the envisioned new autonomous Muslim region. Sema traced the history of the Mindanao peace process, which the MNLF under Misuari started with the government during the Marcos era. He said such process resulted in the signing of the Tripoli Agreement in 1976 and the l996 final peace agreement signed during the Ramos administration. “These accords have not been fully implemented because the government reneged on its commitments,” Sema said. Final stage ng BBL sa Kamara, crucial period – Bombo Radyo / Top Stories Writer: Dennis Jamito Pinagsisikapan umano ng House ad hoc committee on the Bangsamoro na bigyan ng konsiderasyon ang mga ipinasok na opinyon ng mga Moro leaders na dumalo sa mga nakaraang pagdinig ng lupon. Ayon sa pinuno ng komite na si Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, batid nilang crucial at hindi madali para sa mga pinuno ng factions na magbigay-daan sa lahat ng nilalaman ng kasunduan. Malaki kasi ang pangamba ng Sema faction ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa BBL, sinabi ni Datu Muslimin Sema na hindi sila tutol sa panukala pero hindi rin nila ito lubos na sinusuportahan. Dagdag pa ni Sema, kung hindi mababago ang kasalukuyang porma ng BBL, ito ay magiging mitsa sa pagkakawatak-watak pang lalo ng Bangsamoro people. Inaasahan namang haharap mamaya sa komite ang mga naging kasapi dati ng constitutional commission at ang mga lokal na opisyal. Habang sa Lunes naman ay magdaraos ang komite ng executive session para talakayin ang mga nakalap nilang impormasyon sa maraming pagdinig na naisakatuparan ng lupon. Ito ay para maipaloob sa bubuuing committee report na siya namang iaakyat at pagbobotohan sa plenaryo. Mga taga-suporta ng Bangsamoro Basic Law, sumugod sa Kamara – DZMM / National Writer: Johnson Manabat Sumugod sa gate ng Batasan Pambansa ngayong Miyerkules ang grupo ng mga kapatid na Muslim na sumusuporta sa Bangsamoro Basic Law (BBL). Ito ay para sabayan ang huling araw ng pagdinig ng Ad Hoc Committee on the Bangsamoro Basic Law ng Kamara. Tinatayang nasa 100 Muslim at ilang kababaihan ang nagsasagawa ng programa sa lugar dala ang ilang tarpaulin. Ayon sa grupong nagpakilalang Yes for BBL Movement na koalisyon ng ibat ibang non-government organizations (NGOs), mga kabataan, kababaihan at religious groups, napapanahon nang ipasa ang House Bill 4994 o BBL para maipatupad na ang peace agreement sa MILF at gobyerno. Naniniwala ang grupo na sa pamamagitan ng BBL, mareresolba ang dekada nang karahasan sa Mindanao at makakamit ang pangmatagalang kapayapaan at paga-unlad sa katimugan ng bansa. PWDs urged to register for Bangsamoro plebiscite (ENG) - Vera Files / Radio News Writer: Nestor Cabigas Persons with disabilities in the A-R-M-M should register with local election offices before March 31st . Local officials say special registration of voters, including PWDs, will be held in 204 villages within the autonomous region. They urged voters to register early so they can take part in a planned plebiscite to ratify the Bangsamoro Basic Law. The draft law is being discussed in Congress and once approved, will be presented to the people of the ARMM in a referendum possibly in June. DSWD officer in Maguindanao, Nestor Cabigas, urged PWDs to become involved citizens and to exercise their right of suffrage. Advocacy Program Sa Pikit North Cotabato Matagumpay Na Nagtapos – BRIGADA NEWS FM (LARGA Brigada alas Syete) [See attached document] Reporter: Nhor Gayak Umabot sa 5,750 ang kabuuan ng mga taong dumalo sa isinagawang Advocacy Program ng Bangsamoro Basic Law na ginanap kahapon sa Barangay Bulol,Bayan ng Pikit North Cotabato itoy ayun narin sa ipinaabot ng Secretariat ng naturang programa na pinarating sa Brigada News Fm Cotabato. Itoy kinabibilangan ng mga maraming residente ng Pikit na galing sa ibat-ibang mga ahensya at mga myembro ng Bangsamoro Islamic Arm Forces o BIAF na sakop ng Western Mindanao Command na pinangunahan ni WMC Jack Abas Alhaj. Layunin ng naturang programa ay upang maipakita ang buong pagsuporta parin sa usapin ng Bangsamoro Basic Law na kasalukuyang binabasa ngayon sa Congreso. Naniniwala ang mga dumalo sa programa na ang nalalanghap na Bangsamoro Government ay syang tunay na kasagutan sa wagas na kapayapaan dito isla ng kamindanawan. Public Advocacy Program Ng BBL Gaganapin sa Bayan Ng Pikit North Cotabato – BRIGADA NEWS FM (LARGA Brigada alas Syete) [See attached document] Reporter: Nhor Gayak Isinagawa sa Barangay Bulol,Bayan ng Pikit sa North Cotabato ang isang Advocacy program on Bangsamoro Basic Law kung saan tinatayang aabot sa Tatlong libo o mahigit pa ang dadalo sa naturang programa na pangungunahan ng MILF Western Mindanao Command sa bayan ng Pikit sa pangunguna ni Western Mindanao Commander Jack Abas Alhaj. Ang nasabing programa ay bilang pagpapakita narin ng pagsuporta sa isinusulong na Bangsamoro Basic Law,ang mga dadalo sa aktibidad ay manggagaling sa ibat ibang mga lugar na sakop ng Pikit kabilang ang maraming myembro ng Bangsamoro Islamic Arm Forces o BIAF ayon pa sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Cotabato kay WMC Abas. Sa panayam ng Brigada News FM Cotabato kay North Cotabato Board Member Dulia Sultan na syang liga ng mga Barangay President sa Region 12,isa sya sa mga sumusuporta sa naturang Adbokasiya katuwang ang LGU sa pangunguna ni Pikit Mayor Muhyryn Sultan - Casi. Maliban sa maraming mga field kumander ng MILF na dadalo sa adbokasiya,dadalo din si Former Pikit Mayor Datu Sumulong Sultan at Board Member Mohammad Kelie Antao Alhaj na syang Chairman ng Commettee on Peace on Order sa probinsya ng North Cotabato. ARMM pursues 2015 P120-M BRIDGE program – Philippine Information Agency Writer: IEroy/PBC/PIA Cotabato City COTABATO CITY, Jan. 20 (PIA) – As the transition to Bangsamoro Government is expected in the 2nd quarter of 2015, the Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) launched another development program - the Bangsamoro Regional Inclusive Development for Growth and Empowerment (BRIDGE) at the Office of the Bangsamoro People, here recently. The ARMM-BRIDGE concept is patterned after the government’s National Community Driven Development Program (NCDDP) under the KALAHI-CIDSS convergence program of the DSWD, according to ARMM Executive Secretary Laisa Alamia.. “The ARMM-BRIDGE adopts the same mechanism of Community Driven Development (CDD), meaning, the developments that we’re going to undertake is based on the request/needs of the community. “This BRIDGE is an upscaling of ARMM-HELPS program at the municipal level – although, the individual budget can be implemented through municipal wide, community or barangay level, Alamia said. During the launching of the program, Alamia identifiedl 15 target pilot municipalities in the five provinces of ARMM in which each pilot town submitted at least three barangay beneficiaries. For the province of Lanao del Sur, we have the municipalities of Balindong, Taraka and Lumba Bayabao; in Maguindanao, Datu Anggal Midtimbang, Barira and Matanog; in Basilan, Tipo-Tipo, Sumisip and Tuburan; in Sulu, Talipao, Parang and Pandami; and in Tawi-Tawi- Simunul, Sibutu and Tandubas. She added, the main objective of the program is to empower communities in target municipalities to achieve improved access to services and to participate in more inclusive local planning, budgeting and implementation. “We encourage the municipalities to actively participate in finalizing the Municipal Development Plan (MDP) in your annual infrastructure or annual investment program,” she stressed. The program will be managed by ARMM Social Fund Project (ASFP) and has the budget of P120 million based in the General Appropriations Act plus the P50 million savings of the ASFP after it ended last quarter of 2014. OTHER STORIES ASG planong irescue sa kulungan sa Zambo ang kanilang kasamahan – AFP – Bombo Radyo / Latest News Writer: Anne Soberano Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Restituto Padilla na pinlano ng mga bandidong Abu Sayyaf na magsagawa ng rescue operation sa loob ng Zamboanga City Reformatory Center kung saan nakakulong ang kapatid ni ASG leader Furuji Indama na si Bensar Indama. Sinabi ni Padilla na mismo ang mga detainees ang nagbigay ng impormasyon bukod sa intelligence unit na tinitiktikan ang galaw ng grupong Abu Sayyaf. Giit pa ni Padilla na matagal na umanong pinaplano ng ASG ang nasabing rescue operation subalit dahil sa matinding pagbabantay at monitoring ng militar kung kayat hindi naisagawa ang kanilang plano. Noong Lunes, January 19 nasabat ng mga Jail guards ang mga bala at armas na tangkang ipuslit sa loob ng kulungan kung kayat napigilan ang planong rescue operation. Dagdag pa ni Padilla na sa ngayon naka-alerto ang buong Zamboanga Peninsula Region partikular ang Zamboanga City dahil sa planong rescue operation. Sinabi ni Padilla na disidido umano si Furuji indama na irescue ang kaniyang kapatid sa loob ng kulungan anuman ang mangyari. Inihayag ni Padilla na sa ngayon mayroon ng request para ilipat sa mas secured na kulungan ang mga tinaguriang high profile inmates. Samantala, tiniyak ng AFP sa pamamagitan ng Western Mindanao Command na todo ang kanilang koordinasyon at suporta sa PNP sa region 9 ng sa gayon mapanatili ang peace and order sa nasabing lugar at rehiyon. Related Stories: Guns found in ovens as Philippine prison break foiled – Turkish Press / World Writer: Roy Ramos Kapayapaan at Serbisyo sa taumbayan prayoridad ng PRO ARMM – BRIGADA NEWS FM (LARGA Brigada alas Syete) [See attached document] Reporter: Dennis Arcon Nangako ang pamunuan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao sa pagsusulong ng PEACE and Order sa buong rehiyon. Ito ang sinabi ng ARMM Governor Mujiv Hataman sa bagong talagang Police Regional Office Director SSupt Noel Armilla. Inihayag ni Gov Hataman ang kanyang pagsuporta sa buong hanay ng PRO ARMM sa ginawang pagbisita at pagpupulong ng mga matatas na opisyales ng PNP kasama ang mga opisyales ng ARMM sa Bangsamoro Peoples Palace. Umaasa naman sina Hataman at RD Armilla na di rin magsasawang sumuporta sa diwa ng kapayapaan ang publiko. Mas mahigpit na seguridad ipinatupad sa Pikit North Cotabato–BRIGADA NEWS FM (LARGA Brigada alas Syete) [See attached document] Reporter: Tine Abatayo Mas naghigpit ngayon ng seguridad ang mga otoridad sa bayan ng Pikit sa lalawigan ng North Cotabato makaraang pasabugan ang NGCP tower 41, kamakalawa ng gabi. Sa panayam ng BNFM Cotabato kay PSI Sindatu Karim, hepe ng Pikit PNP, sinabi nitong mas pinalalakas ngayon ng kanilang tropa katuwang ang mga sundalo at Task Force Pikit ang pagpapatupad ng seguridad sa lugar nang sa ganun ay hindi na maulit pang muli ang pagpapasabog sa anumang tore ng NGCP sa naturang bayan. Ayon kay Karim, ang IED ay gawa sa dalawang component ng 81mm mortar na ginamitan ng cellphone at 9 volts battery bilang triggering device nito. Hindi pa naman mabatid ng mga otoridad kung sino at anong grupo ang nasa likod ng magkasunod na pagpapasabog sa NGCP towers. Una dito ay tahasan na ring itinanggi ng BIFF na may kinalaman sila sa naturang insidente. Nananawagan naman ang mga otoridad na mas maging mapagmatyag at wag mag atubiling mag report sa kanilang himpilan sakali mang may kahina-hinala sa kani-kanilang mga lugar. *Press CTRL and CLICK the headline to open the complete news story online.
Posted on: Wed, 21 Jan 2015 08:12:36 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015