Milyong ‘boss’ may mensahe kay PNoy sa Luneta KUNG WALANG - TopicsExpress



          

Milyong ‘boss’ may mensahe kay PNoy sa Luneta KUNG WALANG CORRUPT, WALANG MAHIRAP! Share on facebook Share on twitter Share on email Share on print More Sharing Services 0 Maging ang mga kababayan sa iba’t ibang panig ng mundo ay makikilahok sa pagkilos laban sa ‘pork’ scam at corruption gaya ng kumalat na litratong ito sa Internet. Nina Noel Abuel, Aries Cano, Juliet de Loza-Cudia at Eralyn Prado Kinagat ng taumbayan ang campaign slogan noon ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III na, “Kung walang corrupt, walang mahirap!” Patunay ang pagkakaluklok niya ngayon sa Malacañang. Sa bibihirang pagkakataon, ipapaalala ng taumbayan sa Pangulo ang mga salitang ito na kanilang pinanghawakan habang nagmamartsa sa Luneta ngayong araw upang iparating ang boses kontra corruption, partikular sa garapalang nakawan sa pork barrel system. Madilim pa lamang ay asahan na ang pagdag­sa ng maraming dadalo sa panawagang ‘Million People March’ ngayong araw sa harap ng Quirino Grandstand para sa panawagang pagbuwag sa pork barrel system. Dadaanin sa pagdya-jogging at synchronized dance exercise ng mga militanteng grupo, non-governmental organizations (NGOs), informal settlers at mga kababaihan ang pagsisimula ng panga­ngampanya ng mga ito sa panawagang pag-abo­lished sa pork barrel ng mga mambabatas. Maliban dito ay maglalaro rin ang mga ito ng larong Pinoy tulad ng luksong baboy, pukpok palayok, sack race at iba pa para ipakita sa Malacañang ang labis na pagtutol ng taumbayan sa pork barrel. Napag-alaman naman kay Akbayan partylist Rep. Barry Gutierrez, maliban sa Maynila ay magsasagawa rin ng protesta sa Baguio, Cebu, Bicol, Zamboanga at Davao. Lalahok ang may 25,000 kapanalig ng Catholic radio station na Radio Veritas sa buong bansa sa malaking martsa. Suportado ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang nasa­bing hakbang gayundin ang inisyatibo ng Radio Veritas na maglunsad ng banal na misa para sa katotohanan at hustisya sa Luneta. Pero binigyang-diin ng Kardinal ang lahat ay dapat na malayang magde­sisyon kung sasali o hindi sa protesta. Sa panig ng mga awtoridad, aabot sa 3,000 miyembro ng Philippine National Police (PNP) at 2,000 marshall ang ikakalat ngayong umaga sa isasagawang malawakang anti-pork rally. Ito ang inihayag kahapon ni Manila Police District (MPD) director Chief Supt. Isagani Genabe Jr. kasabay ng pahayag na bukod sa pulis Maynila ay may augmentation force na ide-deploy mula sa Nationa­l Capital Region Police Office (NCRPO). Ayon naman kay NCRPO spokesman Chief Insp. Robert Domingo, paiiralin ng pulisya ang “super maximum tole­rance” sa mga magsisipagmartsa sabay pakiusap sa lahat ng lalahok na gawing mapayapa ang pagtitipon.
Posted on: Sun, 25 Aug 2013 22:51:19 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015