Minahal ni Bestfriend: Ryan part 13 Napatayo ako bigla at kinuha - TopicsExpress



          

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 13 Napatayo ako bigla at kinuha ang bag ko. Naramdaman ko na tumulo ang mga luha ko. Patingin tingin ako sa paligid habang nagtatakbo palabas ng cafeteria. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko ng bigla akong may nabunggo ng di ko sinasadya. Naramdaman ko naman na agad akong sinalo ng nabunggo ko at niyakap. Napatingin ako sa mukha nya at bakas ang galit sa mukha nya. “SShhh….”, sabay yakap muli sakin ng sumalo sakin. Si Andre. Napako lang ako sa kinakatayuan ko habang yakap yakap ako ni Andre. Napatingin ako sa mukha nya. Talagang galit ang ichura nya. “Ano masaya na kayo sa nakita nyo?! Mga Taena kayo!!”, galit nag alit na sigaw ni Andre. Lumapit naman si Kulas. “Pare, bat ka ba nagagalit? Biro lang naman yan. Tsaka hindi naman siguro totoo yan, diba?”, tumatawang sabi ni Kulas. “Taena, biro?! Yan ba ang biro sa inyo?!Yung tipong nakakasakit kayo?!”, galit na tugon ni Andre. “Bat bag alit nag alit ka pre?! Huwag mong sabihing totoo yang picture nay an at ang nakikita naming?!”, maangas na sagot ni Kulas. “Gusto nyo ng isyu?! Para sumikat?! Pwes, sige! Ibibigay ko sa inyo! OO! TOTOO! Nanliligaw nga ako kay Ryan! At di ako nahihiyang aminin yun!”, galit at sigaw na sagot ni Andre sa lahat. Halata naman ang pagkabigla sa mga tao sa cafeteria. Meron pang mga galing sa labas at nagpasukan sa cafeteria para makichismis. “Pare, you mean to say, bakla ka? Pare, lalake tayo. Lalake yan. Basketball player ka pare! Sikat tayo pare tapos pipili ka na lang, sa lalake pa?!”, maangas na sabi ni Kulas. “At ano?! Nakakadagdag bas a pagkalalake nyo kung gagawa kayo ng ganito! Pwes, Taena nyo! Lahat kayo! Kinaibigan ko kayo ng matiwasay! Pinakisamahan ko kayo ng maayos! Kung hindi nyo kayang matanggap ang decision ko, pwes, isang malaking taena nyo! Hindi ko kayo kailangan!”, sigaw na sabi ni Andre sa lahat ng nakikinig sabay hila sakin at lakad naming palabas ng cafeteria. Nagsitabihan naman lahat ng nasa daan naming. Sakto ding paglabas naming ay patakbo palapit samin si Chelsea at ang mga kaibigan nya. Sumunod lang ito samin. Naglakad kami hanggang sa makarating sa mini park. “Ohmygawd, are you okay?”, alalang tanong ni Chelsea habang pinupunasan ang luha at pawis ko. “I’m so sorry…”, mangiyak ngiyak na sabi sakin ni Andre. Bigla itong yumakap sakin. “It’s not your fault. Salamat din sa ginawa mo.”, tanging nasagot ko. Nakita ko naman si Chelsea na sumagot ng telepono dahil nagring ito. Malamang si Karen yun. “Bakla, asan ka na ba?! Andito kami sa mini park! Bilisan mo!”, galit na sabi ni Chelsea sa kausap. Pinapaypayan lang ako ni Chelsea habang naghihintay kay Karen. Nasa tabi ko naman si Andre at hawak lang ang kamay ko. Nagiisip. Pero bakas din ang galit sa mukha nya.Meron ding humahaplos sa likod ko, malamang kaibigan ni Chelsea. Nakita kong patakbo palapit si Karen. Kasama nito sila Melai at Andoy. Pagkalapit na pagkalapit naman nila ay agad yumakap sakin si Karen. “Shit, ok ka lang ba? Huwag ka mag alala. Inaalam na naming kung sino kumuha non.”, galit na sabi ni Karen. “Malaman ko lang talaga kung sino… Babasagin ko talaga mukha non!”, galit na sabi ni Andre. “Sweetie, are you ok?”, alalang tanong ni Melai. “Pare, ito tubig.”, sabi ni Andoy sabay abot sakin ng isang bote ng tubig. “Kung sino man yang gagong yan, may araw din yan. Di ako papaya na ganyan ganyan na lang.”, galit na sabi ni Karen. “Don’t worry. Pinatanong tanong ko na kung kanino galing yung picture.”, dagdag naman ni Chelsea. “Guys, salamat. Pero medyo okay na ko.”, mahinahon kong tugon. “Andre, ilabas mo na lang muna si Ryan. Ako na lang kakausap sa mga prof nya.”, biglang sabi ni Karen kay Andre. Tumango lang naman si Andre. “Paano klase mo?”, tanong ko. “Isa lang naman class ko today. Okay lang ako. Tara na.”, seryosong sagot ni Andre. Habang palabas kami ng campus ay may mga nagtitinginan pa din.
Posted on: Wed, 19 Jun 2013 08:15:33 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015