Minahal ni Bestfriend: Ryan part 17 Nasa kalagitnaan ako ng - TopicsExpress



          

Minahal ni Bestfriend: Ryan part 17 Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni muni ng makarinig ako ng kaluskos at mga yapak. Agad akong napa upo at nakita kung kanino nanggagaling ang mga yapak na yun. Napabuntong hininga ako… “Ikaw…”, sigaw ng utak ko. “Pwede ba kitang maka-usap?” Muli akong napabuntong hininga. Kakausapin ko ba sya? Masyado ng mabigat ang dinadala ko. Hindi pa pwedeng isa isa naman? Wala na bang parte ng kwento ko ang walang problema? Kailangan ba lagi na lang ganto ang turn of events? Pero sa kabilang dako, naisip ko, siguro ok na rin na maka usap ko sya. Para isahan na lang ang problemang dadalhin ko. Para pagtapos nito ay magkaroon muli ako ng pag asa para sa sarili ko na balang araw, makakatayo ako at masasabi ko na ok na ako ulit. Tumango lang ako bilang senyas na pang sang-ayon. “Ryan…” “Bakit Larc?” “Tungkol kanina…” “Wala akong kinalaman don.” “Alam ko. Pero alam kong affected ka sa mga nangyari…” “Bakit? Bakit, Larc? Bakit mo nasabi na apektado ako?” “Kasi kilala kita. At alam kong sasabihin mo ngayon na okay ka lang. Ganyan naman lagi ang sinasabi mo kahit hindi ka okay.” “Oo nga eh. Mapagpanggap kasi ako.” “Pwede ba mag-usap tayo nga maayos, Ryan.?” Napa-isip ako sa sinabi nya. “Tara, umupo ka. Nang makapag usap tayo ng maayos.”, sagot ko kay Larc. Agad naman syang lumapit at umupo malapit sa tabi ko. “Kung sana sinabi mo lang sakin nun. Edi sana di mo na kailangang magpanggap.” Natawa ako ng bahagya at napailing. “Huwag mo sabihin na ako lang ang nagpanggap dito.”, sagot ko. “What do you mean? Hindi naman ako nagpanggap, ha.” “Kaya ba sa twing sinasabi ko na okay lang ako kahit alam mong hindi, wala kang ginagawa? Na kahit nagmumukha na akong tanga sa harap ng mga kaibigan mo, wala kang ginagawa?” “Ryan, natakot lang ako. Alam mo ang nangyari sakin noon.” Damang dama ko na ang pagod. Napatingin lang ako kay Larc habang nagsasalita ito. Wala akong maramdamang emosyon. Sa katunayan, I could see myself talking to him na walang ekspresyon sa mukha. Tipong parang nakatingin lang sa kawalan. “Ano sa tingin mo? Hindi ako natakot? Hindi ako nanghina sa mga pagtrato sakin ng mga tao sa paligid ko?! Kung paano nila isampal sa mukha ko na magkaiba tayo? Larc, Hindi ko naman dapat nararamdaman na iba tayo sa isa’t isa dahil bestfriend kita, diba? Bestfriend mo ko Larc. Bestfriend mo ko, diba?” “Pero Ryan..” “Pero ano?! Dahil alam ko ang mga pinagdaanan mo noon kaya natakot ka na maulit yun at alam mong maiintindihan kita? Ganun ba, Larc? Kung alam mo pala ang pakiramdam na yun, bakit hinayaan mo na maranasan ko yun? Bakit pinanood mo lang ako habang ginaganun nila ako?” Tumahimik lang si Larc at hindi sumagot. Mula sa pagkakatingin ko sakanya ay tumingin ako sa lapag. “Tapos ngayon tatahimik ka.” “Anong gusto mo sabihin ko, Ryan?!”, medyo pagtataas ng boses ni Larc. Para namang may sumampal sa akin sa tenga. “Ops. Huwag kang magalit sakin. Ikaw tong may kalokohan dito.” “Kaya nga nagsosorry ako diba? Kasi alam ko na mali ko, tanggap ko na. Hindi mo ba kaya bigyan pa ako ng isang pagkakataon? Total, bestfriend mo ko!” “Yun na nga masakit don eh. Bestfriend kita. Pero nakaya mo gawin lahat ng to sakin. Sa lahat ng tao, ikaw pa!! At tsaka… Ganun na lang ba yun? Kapag nagsorry na, ok na ang lahat? Ganun na lang ba kadali yun? Paano naman yung nasira mo? Sa tingin mo ba sa isang sorry magagamot mo na yung sugat na ginawa mo? Kung ganon sana kadali, sana matagal ng maayos to. Pero hindi eh, dahil sa inaraw araw na wala kang ginawa para maayos to, mas nadadagdagan ang lalim nitong sugat na to.” “Anong gusto mo pang gawin ko, Ryan?” “Hanggang dyan ba naman, ako pa rin ang tatanungin mo?! Ikaw ang may kasalanan, ikaw ang magisip ng solusyon.” “Ryan, hindi ba sapat ang rason na mahal kita para mapawi yang sakit na nararamdaman mo?” Napaiyak ako sa sinabi nya.
Posted on: Thu, 20 Jun 2013 04:30:08 +0000

Trending Topics



>
Sayyid Qutb said: “Another fact to ponder here is a comment of

Recently Viewed Topics




© 2015