Minsan sa buhay ng tao, meron tayong mamahalin ng sobra. At kung - TopicsExpress



          

Minsan sa buhay ng tao, meron tayong mamahalin ng sobra. At kung sino pa yun pinahalagahan mo at minahal ng sobra yun pa ang sobrang nakasakit sa atin. Sabi ng iba kung gaano ka daw nasaktan ganon mo din sya kamahal, kasi kaya ka nasasaktan kasi mahal mo, di ka naman daw masasaktan kung wala lang. Heartaches kasama sa buhay natin yan eh. Pero paano nga ba ang gagawin mo pag yun sobrang minahal mo ay hindi pala para sayo? Iyon bang buong buhay mo pinangarap mo na sana sya na nga at sana kayo na forever. Pero yun forever na yun ay hindi pala “sya” . Pinipilit mong intindihin pero hindi maabot ng tamang pag iisip mo, kung bakit hindi pwede maging kayo. Masakit , oo sobrang sakit , kung baga sa kanta “knife cuts like a knife how will i ever heal im so deeply wounded knife” meron pa.. ” the first cut is the deepest” o yun kay Michael V na Sinaktan mo ang puso ko Sinaksak mo ng kutsilyo Binuhusan mo ng asido Pinukpok ng martilyo Sinaktan mo ang puso ko Ngayon ako’y naghihingalo Mauubusan na ‘ko ng dugo Sinaktan mo ang puso ko At marami pang kanta na sumikat dahil sa heartaches. Naiisip ko normal lang naman talaga ang masaktan eh. Kasi halos lahat ng tao nakakaranas non. At dahil nakita ko sa stat na marami nagtatanong kung paano daw ba mag move on sa isang broken relationship? Eto ang sagot ko. Depende siguro sa sitwasyon kung paano ka nasaktan . May ibat iba kasing sitwasyon eh tulad nito: Sobrang minahal mo sya, akala mo kayo na, umikot ang mundo mo sa kanya, pero nang tumagal nag iba na sya ng hangarin, iba na ang nararamdaman sayo. Sabi nya friendship is all he/she can offer. Pag katapos ng lahat sasabihin nya cool off muna tayo, after a week or so friends na lang tayo. Hello? pwede ba yun? friends? can exlovers be friends? Mahirap yun. O kaya its not you, its me.. hindi ikaw ang problema .. ako. Mga tamang alibi ba. Eto ang mas masakit, ” Hindi na kita mahal, meron nang iba” OR.. Ikaw lang ang may nararamdaman one sided love ba. At marami pang scenario kung paano ka nasaktan. Ang hirap … kasi kung mahal na mahal mo tapos ganyan mga approach ang maririnig mo, malamang kung di malakas ang tolerance mo sa pain mabaliw kana. Una tatanungin mo ang sarili mo .. BAKIT? BAKIT AKO PA? WALA NAMAN AKONG KASALANAN NAGMAHAL LANG AKO?. Minsan sinisi mo pa si BOSING kung bakit nangyayari sa iyo ito? Ano ang gagawin ko? Bigla na lang tutulo ang luha mo… bababa ang tingin mo sa sarili mo, iisipin mo unlikable ka, loser, walang kwenta.. sadyang nakakababa ng self esteem pag yun taong gusto mo hindi mo makuha kahit anong gawin mo. . Mahirap kalaban ang puso lalo na ang ego. Yung iba gagawa ng paraan para mawala ang sakit na nararamdaman.. magwawala, kung dati good girl.. ngayon ang tawag sa kanya ” GOOD GIRL GONE BAD” sisirain ang sarili dahil lang dun. Kung lalaki naman syempre good boy naging BADBOY . Yun iba maglalasing, lulunurin ang sarili sa alak para mawala yun sakit na nararamdaman pero pag gising mo bukas doble ang balik sayo.. Broken hearted ka na nga broken head ka pa! Kasi masakit ang ulo mo sa hang over pero andun pa din ang sakit. Yun iba naman maghahanap ng panakip butas which is not advisable kasi lalo lang lalala ang sitwasyon, may mga taong ka pang masasaktan at idadamay para mawala lang yan sakit na nararamdaman mo.
Posted on: Sat, 13 Jul 2013 06:55:50 +0000

Trending Topics



;">
You got There is Another Sky by Emily Dickinson! Optimistic,

Recently Viewed Topics




© 2015