Miriam: P40-M pondo ni Enrile sa Zambo siege Written by Bombo - TopicsExpress



          

Miriam: P40-M pondo ni Enrile sa Zambo siege Written by Bombo Ronald Tactay Published in Top Stories Friday, 27 September 2013 00:11 4 1 Miriam: P40-M pondo ni Enrile sa Zambo siege Tahasang idinawit ni Sen. Miriam Defensor-Santiato si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile bilang utak sa malagim na Zamboanga attack ng Moro National Liberation Front (MNLF) Misuari faction na ikinasawi ng mahigit sa 100 katao habang milyun-milyon ang pinsala. Ayon kay Santiago, nasa P40 million umano ang pondong inilaan ni Enrile para isagawa ang Zamboanga attack sa layunin na ilihis ang atensyon matapos na masampahan sila ng kasong plunder kaugnay ng multi-billion peso pork barrel scam. "Enrile is so desperate that he is like a crocodile, who has left his maritime kingdom and is flapping around on land, still hoping to kill his prey. I am morally convinced of his culpability in trashing the COA and its chair, as well as in engulfing Zamboanga City in an expensive rebellion," ayon kay Miriam. Sinabi pa ni Santiago na si Enrile rin ang nasa likod ng mahabang privilege speech ni Sen. Jinggoy Estrada kung saan idinadawit siya sa pork barrel scam. Paliwanag naman ng senadora sa pagkakadawit sa iskandalo batay sa COA report, hindi ang senador ang dapat managot sa pagpapatupad ng PDAF projects sa halip, ang mga implementing agencies. "It is the implementing agency, not the senator, who bears responsibility for the project. The reason for listing the senators is to alert them that the agency is falling down on the job. If so, then the lawmakers should reprimand the agency and require full compliance. That is the intent of COA Resolution No. 97-006," ayon kay Santiago. Si Miriam at Enrile ay may matagal nang sigalot, katunayan nais pa ng senadora na gawing state witness ang dating chief of staff ng dating pangulo ng Senado na si Atty. Gigi Reyes upang madiin ito ng husto sa pork barrel scam. Sa panig ni Enrile, ayaw na umano nitong patulan ang lahat ng mga lumalabas sa bunganga ni Miriam. - See more at: bomboradyo/news/top-stories/item/24310-miriam-p40-m-pondo-ni-enrile-sa-zambo-siege#sthash.P5lgO6MP.dpuf
Posted on: Fri, 27 Sep 2013 03:56:26 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015