Misis hinubaran, kinuryente, ginulpi UMAMIN KA NA! MAY LALAKI - TopicsExpress



          

Misis hinubaran, kinuryente, ginulpi UMAMIN KA NA! MAY LALAKI KA! Ni Cherk Almadin “Ginawa niya akong kriminal na napapanood ko sa pelikula, kinukur­yente para kumanta o umamin!” Ito ang humahagulgol na pahayag ng isang waitress habang idinidetalye ang pwersahang panghuhubad, pambubugbog at pangungur­yente sa kanya ng ka-live in upang paaminin na may lalaki itong kinakalantari sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Walang mapagsidlan ang matinding galit na nadarama ng biktimang si Rosalie, 36-anyos, para sa kanyang kinakasama na si Ricardo Reyes, 40-anyos, jobless at nakatira sa Barangay 175, Camarin, Caloocan City. Sa sumbong ni Rosalie sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Barugo Police Station, Caloocan City Police, ala-una ng madaling-araw habang siya ay nasa trabaho nang puntahan ng kanyang lasing na kinakasama, nilapitan siya nito at hinawakan sa braso habang kinukuha ng biktima ang order ng isang customer. Dahil sa ayaw mapahiya ay hinila ng biktima ang suspek sa kanilang locker room at doon kinausap. Binantaan siya ng suspek na kung hindi uuwi antimano ay mag-iiskandalo umano ito sa pinagtatrabahuhan ng biktima, kaya’t agad na sumamang pauwi si Rosalie. Pagda­ting sa bahay ay agad nang dinagukan ng suspek ang kinakasama at pinapaa­ming lalaki nito ang nakitang customer. Pinaliwanagan ni Rosalie ang ka-live in na customer niya ito ngunit hindi ito naniwala at sa halip ay pinagsasampal siya at hinubaran, upang makakita ng ebidensiya na may kinakalantari itong ibang lalaki. Nang walang makita ay hinalungkat ng suspek ang bag ng biktima at nakakita ng lighter. Dahil alam niyang hindi naninigarilyo ang biktima ay lalong lumakas ang hinala na may ibang lalaki si Rosalie kaya’t kinaladkad niya ito papasok sa banyo. Sinira nito ang disposable lighter at pinindot ang parteng may ground habang nakausli ang maliit na wire sa braso ng biktima habang bukas ang shower. Paulit-ulit umano itong ginawa ng suspek habang pinapaamin siya na may iba itong lalaki. Walang magawa si Rosalie kundi ang umiyak hanggang sa nakakuha ng pagkakataon na tumakas at nagpasaklolo sa pulis. “Hindi ko naman po sana siya irereklamo kung sampal at batok lang ang inabot ko sa kanya kasi sanay na po ako sa ginagawa niyang ‘yun, kaso naman po, kinuryente niya ‘ko, habang ginagawa niya ‘yun parang may tumutusok na karayom sa buong katawan ko, sa tingin ko po hindi niya na ‘ko mahal kaya niya nagagawa ‘yun,” sambit pa rin ni Rosalie. abante.ph/issue/aug0213/crimes01.htm
Posted on: Thu, 01 Aug 2013 18:10:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015