Misis kinuyog ng ‘otso malditas’ (Cherk Almadin) “Maiingay, - TopicsExpress



          

Misis kinuyog ng ‘otso malditas’ (Cherk Almadin) “Maiingay, mahaharot! Mga eskandalosa!” Ganito inilarawan ng isang ginang ang walong babaeng kabataan na kumuyog sa kanya matapos sawayin ang mga ito sa paghaharutan sa isang palengke sa Caloocan City kamakalawa. Puno ng kalmot, mga pasa at halos magkandalagas ang buhok ng biktimang si Maricel Gibuena, 40, butihing may bahay at taga-Sawata St., Caloocan City. Samantala, patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga dalagita na gumulpi sa biktima. Saimbestigasyon ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Caloocan City Police, ganap umanong alas-singko ng hapon habang namamalengke ang biktima sa Sangandaan Market sa Samson Road, Caloocan City ay nakasalubong niya ang walong dalagitang suspek. Pilit na iniiwasan ng biktima ang mga ito dahil naghaharutan at nakaharang sa kanyang daraanan. Umikot siya sa kabilang daanan ngunit nakasalubong na naman niya ang mga suspek kung saan ang isa rito ay itinulak ang isa sa kanilang kasamahan na bumalandra sa biktima, dahilan upang mapigtas ang bitbit niyang plastic at mabasag ang mga may laman na bote ng suka at patis. Pinagsalitaan ng ginang ang mga dalagita ng “ang haharot niyo kasi, para kayong mga hindi dalaga!” Sa halip na humingi ng paumanhin ay sumagot pa ng “bakit, daanan mo ‘to?” saka mga nagsialis. Paglabas ng palengke ng biktima ay inabangan pala ito ng walong dalagita, isa sa mga suspek ang humila ng kanyang buhok, ang iba naman ay pinagsasabunutan siya, tinadyakan at ang iba ay nakikikalmot. Hindi pa nakuntento, itinaas pa ang daster ng biktima at nang lumantad ang panloob na kasuotan nito ay saka tumakbong tumakas na nagtatawanan. abante.ph/issue/aug0513/crimes03.htm
Posted on: Mon, 05 Aug 2013 01:00:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015