Miss henares wala pong katapat na presyo ang pagdodoctor. Kung - TopicsExpress



          

Miss henares wala pong katapat na presyo ang pagdodoctor. Kung maramdaman mo lang ang hirap, takot, kaba, pagbubuhat ng responsibilidad hanggang gumaling ang patiente, tsaka mo lang malalaman ang ibig sabihin ang pagiging manggagamot. Di po natatapos ang paggagamot pagkatapos ng consulta, bitbit ko po sa dibdib ko ang patiente 24/7 hanggang siya ay giginhawa. Pag akoy nag oopera bitbit ko ang buhay ng aking pasyente, papaano ko susukatin ang presyo nito miss henares. Kung ikaw ay marunong manukat ng hirap, kaba, responsibilidad, karunungan, puyat, sa lahat ng oras pwes bigyan turuan mo kami at sa mahigit dalawangpung taon akong nanggagamot, di ko pa rin alam. Yung sapat madalas ang singil walang RATE na sinasabi ninyo at mas madalas sa minsan e base sa katayuan ng patiente , kaya libre e di maiwasan, at utang na di nababayaran. Salamat po
Posted on: Tue, 03 Sep 2013 11:50:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015