Modus operandi Para makaiwas na mabiktima ng illegal - TopicsExpress



          

Modus operandi Para makaiwas na mabiktima ng illegal rec­ruiters, narito ang ilang modus operandi na ginagamit nila sa deployment ng mga workers sa ibang bansa na karaniwang naaabuso bilang undocumented workers na ang mga papeles ay hindi dumaan sa POEA. Ayon sa POEA, ilan lang ang 1) escort services, 2) tourist-worker scheme, 3) assumed identity, 4) direct hiring, 5) trainee-worker scheme, 6) backdoor points scheme, 7) tie-up system, 8) visa assistance o consultancy scheme at 9) blind ads scheme sa mga MO ng illegal recruiters. Isa-isahin natin ang mga illegal na siste: Escort services -- Ang undocumented workers ay binibigyan ng escort sa airport o anumang international exit tulad ng mga ports para makalampas sa mga immigration checkpoints. Karaniwang nagsisilbing escorts ang ilang corrupt na empleya­do sa airport o immigration. Tourist-worker scheme -- Ang undocumented worker ay umaalis ng Pilipinas bilang turista ngunit ang totoong pakay ay ang mai-dep­loy bilang manggagawa sa labas ng bansa. Assumed identity -- Ang mga workers (karaniwang menor de edad, may kaso o kaya ay blacklisted ng POEA) ay dini-deploy sa ibang bansa para magtrabaho gamit ang ibang identity tulad ng pangalan at iba pang personal na datos. Peke ang ginagamit na mga dokumento tulad ng pasaporte, birth certificates, atbp. Direct hiring -- Ang mga workers ay direktang hina-hire ng foreign employers na walang involvement ng licensed recruitment agencies, walang dokumento at walang proteksyon ng gobyerno. Gayunman, ang direct hiring na ang mga papeles ay dumadaan sa POEA (Name Hire Processing Unit) ay legal. Trainee-worker scheme -- Ang mga na-hire ay idine-deploy bilang trai­nees lamang pero ang totoo’y pinatutuloy na sila sa regular na pagtatrabaho. Backdoor points scheme -- Karaniwang gamit ito ng mga human traffickers na ang mga workers ay isinasakay sa mga cargo ships sa mga pantalan na hindi gaanong nababantayan ng mga awtoridad tulad ng mga nasa Mindanao. Tie-up system -- Ang mga hindi lisensyadong recruiter na may mga blacklisted foreign principals ay gumagamit ng mga POEA-licensed recruiters para makapag-hire ng mga manggagawa. Visa assistance/consultancy scheme -- Mga recrui­ters na tumutulong o nagbibigay-payo umano sa pagkuha ng visa ngunit ang totoo ay nag-o-operate sila bilang recruiters. Blind ads scheme -- Haya­gang panloloko sa pag-o-offer ng non-existent na trabaho sa pamamagitan ng advertisements (pahayagan, TV, radio at internet) kapalit ng perang ipadadala sa bangko o postal box office. creator.-))
Posted on: Thu, 10 Oct 2013 10:53:27 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015