Movement Logos By Boyet Rivera III NDF Flag and Pin Bandila: - TopicsExpress



          

Movement Logos By Boyet Rivera III NDF Flag and Pin Bandila: Ang bandila ng National Democratic Front (NDF) ay ipinagawa sa akin nang madalian ng aking Ninang na si Edna Aquino. Ang requirements: 1. Dapat itong sumalamin sa adhikain ng mga nakikibakang Pilipino tungo sa isang payapang lipunan (puting tatsulok na matatag na nakapirmi sa gitna ng bandila). 2. Ito ang simbulong magbibigkis sa lahat ng samahan at grupong may layong baguhin ang bulok na sistema ng lipunan (nagkakaisang prente). 3. Hindi dapat malayo ang mga kulay sa ating pambansang bandila, dahil nabuo rin ito habang binabago ng mga rebolusyonaryo nuong araw, ang ating lipunan. 4. Ito ay pambansa (tatlong bituin na nakatututok sa bawat sulok ng tatsulok). Tatlong studies ang ihinanda ko. Isa rito ay may mga imahe ng ibat-ibang sektor ng lipunan sa gitna, kung saan ginamit ko ang estilo na ginamit ko rin sa paglikha ng logo ng KMP, CAP at SAMASA. Sa ikalawa, nilagyan ko ng initials na PNP (Pambansang Nagkakaisang Prente) ang gitna ng tatsulok, gamit ang baybayin o alibata- sa pagnanais na buhaying muli ang partikular na bahagi ng ating kultura. Ang ikatlo ay variation lamang ng unang study. Note na ang initials ng PNP rito ay bago pa ginamit ng kapulisan ang naturang initials. Pagkaraan ng ilang deliberasyon, ipinabago kay Gilbert Torres (isa pang artist) ang initials na ginawang english (pang-international) at pina-simple ang estilo. Ito na ang ipinatahi at unang ginamit ni Satur Ocampo, sa isang pagtitipon malapit sa Malate.
Posted on: Mon, 15 Sep 2014 10:46:06 +0000

Trending Topics



height:30px;">
Update on todays roundup from Leland Grass: Another Horse round
I have been averaging less than four and a half hours of
super buy viagra

Recently Viewed Topics




© 2015