My Lovely Chef CHAPTER 2 LAST SUNDAY WAS OUR 7TH DATE, - TopicsExpress



          

My Lovely Chef CHAPTER 2 LAST SUNDAY WAS OUR 7TH DATE, David and I. And probably the last. Nung sixth date namin, we went to this fine-dining restaurant and had dinner, as we always do. And as usual, hinatid niya ako sa condo. He’s tall, goodlooking, businessman type. Very formal. And mature. He’s in his late thirties. Nagkakilala kami sa isang company Christmas party na sa restaurant ginanap. Isa siya sa mga associates ng isang accounting firm. “Did you enjoy the night?” Ngumiti lang ako. Kung ang pag-eenjoy ay ang pagkain ng mamahaling pagkain sa isang mamahaling restaurant, at ang pakikinig sa mahabang kuwento, at ang pagtawa sa mga corny jokes, for sure, nag-enjoy ako. “Thanks for spending time with me,” sabi ni David. “You’re welcome. The food was really great,” sabi ko. But at that moment, my mind was not on the food. It was far from that. He was so handsome that night, with his black suit. And he smelled good too. From the condo to the restaurant, then back to the condo, I was thinking how warm his soft lips would feel. I’ve been thinking about that ever since we started dating, actually. “Next time uli?” He had the sweetest smile. “Sure.” Then, he held my hand and kissed it. Thank God. After six dates, at last, I got a kiss, on the hand. “Okay, I’ll call you.” Tumango ako. Parang replay lang ito nung nakaraang five dates. And I was right. He intended to do this little by little. And on this 7th date, we had dinner. Again. We went to Antipolo, overlooking. Romantic. Everything seemed so special. He then held both of my hands, and I looked at him. Just looked at him. “Amanda.” Hinintay ko lang ang susunod na sasabihin ni David. Okay, honestly, I didn’t care whatever he’d say next. I was more interested in what he’d do next. I’ve known him for almost three months now. And within that three months, wala akong maipipintas sa kanya. Except for being too gentle. And too slow. Well, his gentleness somehow made him a bit mysterious. “It has been a year since I last dated. And it’s been a long time since I last felt this way.” He was standing so close to me. “I…I want to do this the right way, Amanda. I’ve been thinking about this for a long time.” And I could smell his sweet scent. “I wanted to wait for the right time to do this. Because I don’t want to rush things with you.” He’s not rushing, all right. But don’t you think seven dates are long enough for a kiss? I wanted to stop his speech and go on with the whole thing. But no, I just listened and waited. “Amanda, I’m sorry if you think I’m going too fast…” “David, you are not going too fast,” natatawa ko pang sabi, encouraging him to just kiss me. Quick. At ngumiti lang si David. “Yes, I’ve waited long enough. If I won’t do this now, I might regret it for the rest of my life.” The hell he will. Then, there was a pause. A very long silence. He just looked at me and then… “Amanda-“ I anticipated the next scene. Is he going to kiss me now? I thought he’d then hold my shoulder, or my waist and would really give me the kiss I’ve been waiting for, for three long months. Nakapikit na ‘ko no’n, waiting and ready. One, two, three…four…five…And suddenly, I felt something cold slipping through my finger. I then opened my eyes, saw David’s wonderful smile and then, that bright sparkling diamond ring on my finger. “Amanda, please marry me.” —– It wasn’t a question. It was more of a plead. Ano ba ang nakain niya at biglang naisipang mag-propose? Hindi ko talaga alam. Masyadong nawindang ang utak ko dahil sa unexpected proposal na ‘yon ni David nung Linggo kaya hindi ko napansin na parating na si Justin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung totoo nga ba ang nangyari o panaginip lang ‘yon. Naupo si Justin sa harapan ko, dala ang dalawang baso ng iced tea at nagsimula nang magbasa. Masyado siyang busy sa magazine na hindi niya pansin ang mga babaeng nakatingin at kinikilig dahil sa kanya. Nagsimula na rin akong magbasa, pero malayo do’n ang utak ko. From his laptop, Justin looked at Amanda. Dapat ay nasa bahay na ito ngayon, nagpapahinga, or somewhere else, doing her thing. But she’s here now, with him. Isinara niya ang laptop at nagsimula nang magligpit. He has been bothering her all week. Actually, he thinks he’s been a bother to her eversince they met. “O, bakit, ano’ng ginagawa mo?” nagtatakang tanong ni Amanda nang umpisahan nang magligpit ni Justin ng mga gamit. “Come on,” sabi ni Justin at tumayo na ito. Tiningnan ko lang si Justin na handa nang umalis. “Bakit?” “You need a break.” Natawa ako sa sinabing iyon ni Justin. “Ako?” At nang hindi pa rin ako kumilos ay ito na mismo ang nagligpit ng mga gamit ko, kinuha iyon at hinila ako para tumayo. “Teka, sa’n tayo pupunta?” “Uuwi na tayo.” Hatak-hatak pa rin ni Justin ang kamay ni Amanda. Pinagtitinginan na sila ng mga tao roon, hanggang sa makalabas sila ng coffee shop. Kumain muna sina Justin sa paborito nilang fastfood bago umuwi. Matagal-tagal na rin nilang hindi nagagawa ang ganoon. Simula nang magbukas ang restaurant, at maging abala na si Justin sa ibang bagay, at si Amanda sa kinukuha nitong crash course sa culinary school. Pagpasok pa lang, marami nang mata ang nakasunod sa direksyon nila. Well, it isn’t new. Kung noon ay conscious ako at si Justin, ngayon ay wala na kaming pakialam. Kakaiba talaga ang magnetic charm ni bestfriend. If Amanda thinks that the stares they’ve been getting is because of Justin, Justin thinks otherwise. Amanda wasn’t aware na pansin ni Justin ang mga lalaking humahabol ng tingin sa kaibigan. It’s not really a surprise. She has an angelic face and long wavy hair. Amanda is a head-turner and she doesn’t even know it. Iyon ang hindi maintindihan ni Justin kay Amanda. Isn’t she aware of the effect she’s giving to those men everytime she smiles at them and talks to them and looks at them intensely? Dalawang bagay lang ‘yon- nagpapanggap ito’ng walang alam o wala talaga itong pakiramdam. Kaya siguro mas lalo itong nagiging attractive sa paningin ng mga lalaki. Sabay silang naupo sa sulok ng fastfood. He caught her smiling. “What’s so funny?” “Look at those girls-“ Hindi iyon tiningnan ni Justin. “There’s a pretty lady staring at you right now over there,” bulong ni Amanda sa kaibigan. Pero tuloy lang ito sa pagkain. “Justin!” “What?” “Look at her, she’s really pretty.” “I don’t care. I’m not interested.” Natawa ako nang malakas. At kailan pa hindi naging interesado si Justin sa babae? Sa isang magandang babae? “I’m with you, wala akong pakialam sa ibang babae.” Okay, Justin hasn’t changed. With all those strange things na napapansin ko sa kanya nitong mga nakaraang araw, salamat sa Diyos at wala pa rin pala itong pinagbago. “Justin, okay ka lang ba?” “Oo naman, bakit?” “Napansin ko lang, you’ve been killing yourself with work. May…problema ba?” “Marami ko’ng inaasikaso,” sagot ni Justin. Tumango ako. Pero alam kong hindi lang ‘yon ang dahilan niya. “You don’t have to push yourself too hard just to forget.” “Forget about what?” Hindi agad ako nakasagot. Umiling na lang ako. Ayoko’ng mag-advise. He’s a lot older than me, and he knows a lot more than I do. “So, how’s date with David?” pagkadaka’y tanong ni Justin. Naalala nito na last Sunday ang 7th date ng kaibigan at excited ito doon. Muntik na ‘kong mabilaukan. Ayoko na sanang pag-usapan pa ang kahit na anong may kaugnayan kay David. Umiling lang ako. “Ayoko’ng pag-usapan.” “Bakit? Ano’ng nangyari?” David tried to call me this morning, as he always did. Pero ayoko muna siyang makausap. Pinadadalhan rin niya ako ng flowers, katulad ng dati. At sa totoo lang, nakakasawa na rin. Umiling lang ulit ako. Tiningnan ni Justin si Amanda. Alam niyang mayroon itong hindi sinasabi sa kanya. “Ano’ng problema?” Uminom muna ng iced tea si Amanda bago nagsalita. Ayaw na sanang sabihin pa ni Amanda ang tungkol do’n kay Justin. “M-may nangyari’ng hindi inaasahan.” Sabay sa pag-inom ni Justin ng softdrink ang pagsasalita ni Amanda. He wasn’t expecting it, at nasamid siya. “What?” He couldn’t believe it. He doesn’t want to believe it. He has known Amanda long enough that he couldn’t believe what he has heard. Something happened. Between his best friend and some guy whom he doesn’t know. And she just met him three months ago. “But you just met him!” I didn’t expect his reaction to be that violent. “E-exactly my point. Kaya nga-” “You didn’t even tell me that he’s already your boyfriend.” “Because he’s not my boyfriend.” Lalong nagulat si Justin, na hindi ko alam kung bakit. To think na wala pa akong sinasabi sa kanya. “And he’ll never be my boyfriend.” “What are you talking about? Anong he’ll never be your boyfriend?” “Dahil ayoko.” Is this another issue of Amanda’s impusiveness? It’s always been like this with her. Once she decided she doesn’t like the guy anymore, no words spoken, iiwas na lang ito. In fairness to himself, he has the courage to tell a woman he doesn’t like her anymore, eventhough how much it’s gonna hurt. But with Amanda, she’ll disappear, just like that. She cannot handle closures well, she once told him. Napailing si Justin. She’s even worse than him, he thought. “Did you at least take some necessary precautions?” mahinang tanong ni Justin, nakayuko, nakatingin sa kinakain. Hindi siya komportable na pag-usapan nila ang ganoon. Necessary precautions? “Ha? Ano’ng necessary precautions?” Natawa si Amanda pagkaraaang maintindihan ang ibig nitong sabihin. Malakas na tawa na ikinagulat ni Justin. “Para sa’n naman ang necessary precautions?” Tiningnan siya ng binata, na parang naguguluhan. Wala siyang makitang dahilan kung bakit tumatawa nang ganoon si Amanda. Justin had never been confused. “Amanda, kailangan mo pa ba talagang itanong sa ‘kin ‘yan?” Mas malakas ang naging tawa ni Amanda. “Justin! Walang gano’ng nangyari sa’min, okay?” “O, e ano ba talagang nangyari?” tanong niya sa kaibigan. Medyo nakahinga siya nang maluwag nang malamang hindi ang iniisip niya ang talagang nangyari. Not as if he cared. Iniisip lang niya ang mga possible consequences if ever Amanda gets pregnant with David. Muling natahimik si Amanda at ilang sandali pa bago nakasagot. “Nag-propose siya.” “What?!” mas lalo pang nagulat si Justin sa balitang iyon. “Nag-propose si David,” ulit ni Amanda. “Bakit?” “Ewan ko. ‘Di ko alam.” “Well, he must really love you,” natatawang sabi ni Justin. “He must be crazy.” Si Justin naman ngayon ang tumawa nang malakas tulad ng ginawang tawa kanina ni Amanda. “But I thought you really like him?” “Oo nga. Pero wala naman akong plano’ng magpakasal sa kanya.” “He’s kind, intelligent, handsome and a gentleman, as you always say. So, ano’ng problema?” “I don’t love him enough.” Her answer was quick. And well, acceptable. “But I thought you don’t believe in love anymore?” tanong ni Justin. Yes, well, I’ve said that. Dahil na rin sa mga masasalimuot na kwento ng pag-ibig na alam ko. Pero iba pa rin pala sa totoong buhay. Ngumiti lang si Amanda para iwasan ang issue. Tiningnan niya ang kaibigan at napailing. Hindi niya maiwasang maawa kay David. He couldn’t blame him to propose to her. And he thought, he is very lucky, to be Amanda’s friend. Just friend. Kung iba nga lang siguro ang sitwasyon, malamang na matagal na rin niya itong niyayang pakasal. Kahit pa alam niyang wala siyang pag-asa dito. Because Amanda knows him too well. She literally knows everything about him, lalo na ang tungkol sa marami niyang mga babae. At minsan ay pinagsisisihan niya na sinabi niya rito ang lahat, kahit na ang mga kalokohan niya. Ngayon, dahil sa pagkakamaling iyon, dapat na lamang siyang makuntento sa kung ano lang ang kayang ibigay nito. And it would be crazy now to take their relationship one step further. It’s too complicated. Amanda is just too good for him. And he’s got all the reasons to forget about the absurd idea altogether. She deserves someone who could really be good to her. Someone who could treat her as a lady. Someone faithful and who could truly love her. Someone who could give her everything, especially the affection and the commitment she needs. Someone who’s willing to marry her and to spend the rest of his life with her, faithfully. And he can’t possibly give her that. A good lady like Amanda deserves a good man. And everybody knows he’s not all those things. And if Amanda is like any other woman, he wouldn’t think twice, he’d drag her to his bed or hers, or anywhere and make love to her any minute. —– PAGKATAPOS NG KLASE NIYA SA CULINARY SCHOOL, tumuloy na si Amanda sa restaurant kung saan sila magkikita ni Phoebe. Maraming nangyari sa nakalipas na linggo. Salamat sa Diyos, parang natauhan na rin si David. Isang linggo na rin akong hindi nakakatanggap ng tawag mula sa kanya. Wala na ring mga bulaklak. Naramdaman na rin siguro na hindi talaga ako interesadong magpakasal. Sabi ni Justin, kausapin ko raw si David kahit paano, just to be fair. Sabi ko, sige, pag-iisipan ko. Pero hanggang pag-iisip lang ako. I know it’s unfair and it’s wrong of me to always run away. Pero talagang hindi ko kaya. I’m just not good at closures. Matagal na rin kaming hindi nagkikita ni Phoebe, halos isang buwan na yata, kaya naisipan ko siyang i-meet. Dahil busy siya sa bagong boyfriend at busy rin naman ako sa lahat- sa restaurant, sa klase, sa dating… “At sa pagbe-babysit d’yan sa best friend mo na ‘di ko alam kung best friend mo nga talaga.” Di ko na dapat in-invite si Phoebe for dinner. As usual, ii-insist na naman niya na inlove ako kay Justin at kung anu-ano pang kalokohan. “Phoebe, ngayon na nga lang tayo nagkita, mang-aasar ka pa.” “Dahil nga do’n sa papa Justin mo kaya ngayon lang tayo nagkita. Mabuti naman ngayon at natakasan mo si Justin at nakaalis kang mag-isa.” “Ano nama’ng ibig mong sabihin?” tanong ni Amanda, although alam na niya ang ibig nitong sabihin. “Araw-gabi na kayong magkasama, mula sa bahay hanggang sa restaurant. Tapos magkasama pa rin kayo sa mga gimikan. Di ba kayo nagsasawa sa isa’t-isa?” Dumating na ang order nilang pizza, at hinintay ko munang makaalis ang waiter bago sumagot. “Hindi.” “At sasabihin mo sa ‘kin na magkaibigan lang kayo? Naku, Amanda.” “Na-miss ko ‘to, a,” sabi ni Amanda, habang kumukuha ng isang slice ng pizza. Hindi na niya kailangan pa’ng marinig ang sinasabi ni Phoebe. Narinig na niya iyon ng maraming beses. “Tingnan mo, pati ‘tong paborito mo, di mo na natitikman dahil ano? Ayaw ni papa Justin ng pizza, hindi ba?” “Di mo talaga ‘ko titigilan, ‘no?” Umiling si Phoebe. “Hindi. Hangga’t hindi ka umaamin na love mo talaga ‘yang si papa Justin.” Pero wala naman akong aaminin. “Kaibigan ko si Justin. He’s like a big brother to me.” Malakas na tawa ang itinugon ng kaibigan. “Yeah, right, big brother.” Alam ni Amanda na kahit na anong paliwanag ang gawin niya ay paniniwalaan ni Phoebe ang gusto nitong paniwalaan. Kaya ngumiti na lang rin siya. “E kayo na lang yata sa buong mundo ang hindi nakakaalam na kayo na e. Bakit nga ba ayaw n’yo pang umamin?” “Dahil wala talaga kaming aaminin.” “Bakit nga ba kasi hindi n’yo pa totohanin? Technically naman, nagli-live in na kayo.” “Uy, housemates kami, hindi kami nagli-live in.” “At pa’no ka magkaka-lovelife n’yan, e alam ng lahat na magkasama kayong dalawa sa apartment? Walang lalaking makakaintindi ng sitwasyon n’yo ni Justin, Amanda, kahit anong gawin mo.” Saglit na natahimik si Amanda. She doesn’t really care. Yet. Wala pa naman kasi sa isip niya ang magkaroon ng commitment. As of the moment. Pero paano nga kaya kung dumating na ang panahong handa na siya sa relationship? Paano niya iyon ipapaliwanag sa kung sino man iyon? Maiintindihan kaya ‘yon ni Arthur? Siguro naman. Dahil sa maikling panahon ng pagkakakilala ko sa kanya, alam kong openminded siya sa mga bagay-bagay. Hindi naman siguro magiging problema ang sitwasyon namin ni Justin sa kanya. At sino si Arthur? He’s someone I met in an art exhibit. He’s nice, a very good conversationalist. Inimbitahan niya ‘kong mag-coffee after the exhibit, at nasundan ng dinner the following night. Second day ng exhibit at former classmate ko ang isa sa mga artists. Abstract ang karamihan sa mga paintings. Kung hindi nga lang ako nahihiya sa kaklase ko, hindi ako pupunta do’n. Wala naman kasi akong interes sa abstract painting. It was a little after lunch at madalang lang ang tao sa exhibit hall. Abala si Amanda sa pag-aanalisa ng isang painting na may pamagat na Illumine, nang may lumapit sa kanya na isang lalaking nakaitim. Itim na t-shirt, itim na pantalon, itim na sapatos. At may hawak na maliit na itim na notebook. Nagulat pa si Amanda nang bigla iyong tumabi sa kanya. Bahagya niya itong nginitian at muling tumingin sa painting. “What do you think about it?” tanong ng lalaki. Mababa ang maganda nitong boses. Hindi agad siya nakasagot dahil kanina pa niya iniisip kung ano nga ba ang tingin niya sa painting na ‘yon. “I don’t know. I’m not really into abstract art.” Napangiti si Arthur. “Ano sa tingin mo ang iniisip nung artist nung ginawa ‘yan?” muli nitong tanong na nakatingin lang sa painting. Nilingon ni Amanda ang kausap at napaisip kung bakit siya kinakausap nito at tinatanong ng kung anu-anong bagay. Hindi sana niya ito papansin pero nang mapagmasdan niya ito nang kaunti, napagnilayan din niya na cute ito at mukha namang mabait. Maybe he just wanted to make a conversation. “Sa tingin ko, malaki ang problema nung artist,” simula ni Amanda. “He’s bothered about something and probably he’s a bit depressed.” “Bakit mo naman nasabi?” “Masyado kasing madilim ‘yung mga kulay na ginamit,” sagot niya. Hindi rin niya maintindihan kung ano ang kinalaman ng pamagat nitong ‘Illumine’ sa painting dahil wala siyang nakikita kahit na kaunting liwanag. “Ikaw, ano sa tingin mo?” Bahagya pang lumapit si Arthur sa painting at pinagmasdan iyo’ng mabuti. “Sa tingin ko, gustong ipakita nung artist na meron pa ring liwanag kahit sa napakadilim na sandali ng buhay. See that little bright pigment on the left part? That’s why it’s entitled Illumine.” Hindi alam ni Amanda kung ano ang magiging reaksyon sa naging assessment nito. “Wow. That’s interesting.” Natawa si Arthur. “So, you’re not into abstract art?” tanong nito. “Right. Wala akong alam sa pag-a-analyze ng mga abstract paintings. Ikaw, mukhang may degree ka sa fine arts, o baka naman kakilala mo si-” at tiningnan niya ang pangalan ng artist ng painting. “Arthur Alcantara?” “I am Arthur Alacantara.” Literal na napanganga si Amanda. “You’ve gotta be kidding me.” “Ako si Arthur Alcantara. Gusto mong makita ang ID ko?” nakangiti nitong sabi. Wala sa mukha nito ang kahit na kaunting pagkainis. Nakatingin lang ito sa dalaga na halatang hiyang-hiya sa nangyari. “And you are?” Hindi alam ni Amanda kung kailangan na ba niyang tumakbo paalis o kung kailangan ba niyang sagutin ang tanong nito. “S-sorry…hindi ko alam na-“ “Well, it happens all the time. And your name is?” “Amanda. I’m really sorry. Hindi mo naman siguro ‘ko papaalisin dito?” nag-aalala niyang tanong. “Of course not. But I will only forgive you if you’ll agree to talk about this over a cup of coffee.” Arthur happens to be a very adorable artist. At sa palagay ko, malayo ang mararating ng isang tasa ng kape na ‘yon. Pinag-isipan ko ang sinabi ni Phoebe. Ilang gabi rin na naging laman ‘yon ng isip ko bago matulog. Kailangan ko na bang magsimulang humanap ng malilipatan? Dahil kung iisipin, mahihirapan talaga akong magkaroon ng lovelife sa ganitong klaseng sitwasyon. Kahit pa sabihin na nating maiintidihan ako ni Arthur. Because honestly, I am beginning to like Arthur. He’s into painting. He loves pizza, just like I do. Mayroon siyang art gallery at nakatatlong exhibits na siya in and out of the country. We’ve got a lot of things in common. He knows about politics, economics and he’s also into movies. Hindi katulad ni Justin na puro computer ang inaatupag. At magkasalungat kami ng taste sa pelikula. Ang maganda sa kanya, ayoko, at ang maganda sa ‘kin, pangit para sa kanya. We really don’t have anything in common and I hate him everytime he introduces his girlfriends and tells me about his adventures with them. Si Arthur, bread winner ng pamilya. Responsable, seryoso sa buhay. Hindi katulad ni Justin.
Posted on: Thu, 24 Oct 2013 05:23:13 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015