My Provincial Childhood Laking syudad pareho ang parents ko, pero - TopicsExpress



          

My Provincial Childhood Laking syudad pareho ang parents ko, pero lumipat sila sa isang rural community dahil sa trabaho. May kalayuan ang lugar na yun sa city proper. Hindi rin yun ang municipal proper. Pero marami nakatira. Doon na ako pinanganak. Hindi ko ma alala panu ba yun noong maliit pa ako. Basta namulatan ko nalang yung hirap. Unang una, walang tubig. Sa buong barangay, iisa lang ang poso na may lumalabas na tubig. Ang liit pa ng tubo, siguro mga 1/2 lang ang sukat nun, at napakahina ng tubig. Malakas pa nga yata ang ihi ng aso. Napaka hina talaga kaya laging mahaba ang pila. Lagi kami umiigib dun minsan pa nga galon-galon kinakarga sa kariton sabay sabay namin tinutulak para makadala lang ng tubig sa bahay. Wala rin sasakyan dun. Palagay ko may dadaan na jeep mga 6am tapos ang sunod nun mga 8 o 9 am na. Ang mga tao hindi rin naman sumasakay, naglalakad lang malayo o malapit ang pupuntahan. Hindi naka kotse ang mga may kaya, naka motorsiklo. Ang pinaka madalas na dumadaan na sasakyan dun ay truck na may hinihilang dalawang trailer na puno ng pinya. Sa kompanya ng Del Monte. Takot na takot ako dun. Pakiwari ko babagsak ang bahay namin, tabing kalsada kasi. Napansin ko rin marami mga tao hindi nagta trabaho. Hindi ako sure. Maari nasa mga bukirin nag farming o di kaya sobra aga kung pumasok tulog pa ako. Sa sapa kami naglalaba tuwing week end. Masaya kasi parang nag picnic ang buong barangay, sabay sabay kasi mga tao naglalaba. Kami, naglalaro sa tubig. Ang pinagtakhan ko lang talaga kasi ang hirap maglaba. Kukusutin tapos palu paluin pa tsaka banlawan. Kamuntik pa nga ako malunod kasi tinangay ng tubig yung nilabhan ko. Ang hirap kaya, pero pagkatapos labhan yung mga damit isasampay lang din naman sa damuhan, makati pa rin. Pero yun na talaga. Okey lang din naman. Hindi naman kami naging galisin. Karamihan sa amin sa public school lang. Mas marami ang pumapasok sa public school kaysa private. Uso din dun ang sayawan sa plaza pagdating ng week end. Hindi ko talaga type yun. Naiingayan ako. Minsan lang ako nanood ng singing contest. Minalas pa ako kaya hindi ko pinagka abalahan yun. Ang hirap talaga dun noon. Pero karamihan naman sa mga nakatira marami ang anak. Normal yata ang 8 to 10 children. Tatawa nalang ang iba kung nasa 13 pataas na. Yung kunti lang, mga 2 kids lang, sasabihin naman ng iba may problema ang mag asawa..madalas ko naririnig yun kapag nag tsismisan ang mga nanay habang naglalaba. Hindi ko rin gets bakit ganun kadami. Wala naman sa Culture and Traditions yung big number of children. Mga close family ties, regionalism mga ganun lang wala naman ata yung many children. Pero karamihan talaga marami anak. Malayo, mahirap at tahimik ang lugar na yun pero in fairness, hindi mataas ang crime rate. mostly petty crimes lang. Minsan lang meron pinatay o murder crime. Wala naman ganu mga krimen. Madalas pa nga yung usapan na may nakitang multo o di kaya may kabaong nakaharang sa kalsada o di kaya may kapre nanigarilyo sa puno ng mangga. Mga ganun lang....hehehe
Posted on: Tue, 27 Aug 2013 23:05:51 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015