NAGPASYA ang Commission on Elections o COMELEC na itigil na ang - TopicsExpress



          

NAGPASYA ang Commission on Elections o COMELEC na itigil na ang public bidding para sa ballot papers na gagamitin sa Barangay at Sangguniang Kabataan polls sa October 28. Ito ay matapos matuklasang may sumobrang ream ng ballot papers sa tanggapan ng National Printing Office o NPO na para sana sa May 13 midterm elections. Sinabi ni COMELEC Chair Sixto Brillantes, Jr., na alinsunod sa En Banc Resolution number 9757, napagpasyahan nilang gamitin na lamang ang mga sobrang papel na ito para sa pag-imprenta ng official ballots para sa darating na halalan. Una nang naglaan ang COMELEC ng budget na 148 milyong piso para sa ballot papers at inaasahang matitipid na ang naturang halaga. #NDBC #BIDAvote
Posted on: Sun, 01 Sep 2013 23:45:31 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015