NEED ADVICE; Good morning. Paki hide naman po name ko Pahingi po - TopicsExpress



          

NEED ADVICE; Good morning. Paki hide naman po name ko Pahingi po ng advise sana po iba wag na pong mag comment kung tatawagan lang ako ng tanga or kahit anong masasakit na salita.. advise po kailangan ko hindi masasakit na salita… naging martir lang po siguro ako at di po ako pusong bato Nagmahal ako sa isang taong alam kong mahal ako, almost 13yrs kaming nagsama ng ka live-in ko, then all of a sudden malalaman mo na lang na may pinakasalan pala cya habang nagsasama kami. Nung nalaman ko ang sabi napikot daw cya nung nabuntis ang babae, pareho sila sa government employees ang sabi sa akin baka mawalan daw cya ng license kung di nya pakakasalan ang babae kasi daw government employees cya at nasa mataas na position at pinagbantaan daw ang buhay nya ng tatay nung babae kung hindi daw pakakasalan ang babae. Mula nung nalaman ko yun nakikipag hiwalay ako ayaw naman nung ka live-in ko kasi daw ako daw ang mahal nya, nag resign sya dun sa work nya at tinanggap ko ulit cya. Ngayon ako po ang lumilitaw na kabit. Ang hirap isipin na ako ang kabit cya ang asawa at original. Di po lahat ng pinakasalan sila po ang tunay na asawa minsan lumilitaw lang na asawa dahil sa papel lang at di naman ang pari or pastor ang nagbasbas sa kanila kundi ang abogado. To make stories short binigyan ko ng 2nd chance itong si lalaki nagpakalayo-layu kame. Akalako dun na natatapos ang relasyun nilang dalawa, after 2 yrs umandar ulit instinct ko, nag search ako sa fb nakita ko may mga pic sila nung babae at nung anak nila. Nakikipag hiwalay na naman ako ayaw nya. Dahil kawawa daw anak namin magiging broken family daw kami. Umiiyak cya sa harapan ko wag daw ko cyang hiwalayin or iwanan dahil mamatay daw cya. Sabi ko bigyan mo muna ako ng time para makapag isip, umuwi ako sa amin sa bahay ng mga magulang ko. ngayon daming nag aadvice sa akin lalo na family ko at kaibigan na hiwalayan ko na cya dahil daw kahit anong anggolo sabi wala akong laban kasi di daw kami kasal.. kahit sa mga benefits wala akong habol. Ngayon nag decide akong mag abroad malapit na akong umalis, nung nalaman nyang paalis ako yung luha bumuhos sa kanya at pagsisi nakita ko sa mukha nya at naaawa ako sa kanya, sabi nya ibibigay nya lahat daw ng pangangailangan naming mag ina kung ano ang salary ko sa pag aabroad ko ibibigay nya. Ang sabi ko di ko kailangan ang pera mo kahit ako kikitain ko yan, ang kailangan ko lang peace of mind. Sabi nya magbabago na daw cya kung magbabalikan kmi at i aannul nya daw ang kasal nya dun sa babae at ako daw ang pakakasalan. Mix emotion po nararamdaman ko… kapag sumama ulit ako sa kanya maraming magagalit sa akin lalo na parents ko at mga kapatid at frens ko. Ngayon po naguguluhan ako at nahihirapan,. Sana po kung negative ang sasabihin ninyo makibasa nalang po kayo at makidaan.. thank you po sa mga lubos na nakakaintindi sa akin..
Posted on: Thu, 22 Aug 2013 07:22:59 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015