NGCP tower sa N. Cotabato, pinasabog; suplay ng kuryente, - TopicsExpress



          

NGCP tower sa N. Cotabato, pinasabog; suplay ng kuryente, naputol by Robert Ticzon Sep 27, 2013 9:12am HKT UPDATE: PINASABOG ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan ang National Grid Corporation in the Philippines (NGCP) Tower 14 sa Cotabato na nagresulta ng malawakang pagkawala ng suplay ng kuryente sa ilang lugar ng Central Mindanao nitong Huwebes ng gabi Setyembre 26). Sinabi ni Cotabato’s 1st congressional district board member Shirlyn Macasarte-Villanueva na naganap ang insidente dakong 7:40 p.m. sa NGCP na nasa Sitio Bitol, Barangay Kayaga sa Kabacan town. Nasira ng pagsabog ang NGCP tower at nagdulot ng malawakang power fluctuations sa Cotabato, Bukidnon provinces, at sa Cotabato City. Naapektuhan din ng pagsabog ang 138 KV lines ng Mount Apo Geothermal Power plant. Gayunpaman, naibalik din naman ang suplay ng kuryente matapos ang tatlong oras. Pero ayon sa sources sa Cotabato Electric Cooperative (Cotelco), ilan pang lugar ang nanatiling walang kuryente ng hanggang 11 p.m. Samantala, itinanggi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) na may kinalaman sila sa insidente. Sinabi ni BIFF spokesperson Abu Missry Mama na ang mga miyembro ng BIFF ay hindi gumagamit ng improvised explosive device sa kanilang pagatake. Nito lamang nakaraang Huwebes (Setyembre 19), nagising ang mga residente sa malalakas na pagsabog at mga putok ng baril sa Barangay Tibao sa M’lang town nang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng military at BIFF members. remate.ph/2013/09/ngcp-tower-sa-n-cotabato-pinasabog-suplay-ng-kuryente-naputol/#.UkUJh1MhG94
Posted on: Fri, 27 Sep 2013 10:00:01 +0000

Trending Topics



class="sttext" style="margin-left:0px; min-height:30px;"> The project FOLLOW ME gives a unique possibility to every
Tuesday, June 19, 1906 About the character of God, as

Recently Viewed Topics




© 2015