Nagpakilalang miyembro ng AFP, arestado matapos nanghingi ng - TopicsExpress



          

Nagpakilalang miyembro ng AFP, arestado matapos nanghingi ng pera KORONADAL CITY-INARESTO ng Sto. Niño Police ang isang lalaking nagpakilalang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at nanghihingi ng pera sa isang empleyado ng LGU-Sto. Niño. Ayon kay Diony Uyasan Daniel, municipal employee ng Sto. Niño, South Cotabato, nilapitan ito ng isang nagpakilalangn 1 Lt. Bryan Marcos Ayson, commissioned AFP personnel umano na na-assign sa 12th Artillery Regiment, Phil Army sa Barangay Buayan, General Santos City. Sinabi umano sa kanya ng lalaki na pumasa ang kanyang anak sa PMA entrance exam at handa siyang tumulong para sa application. Maliban pa dito, humingi ng pera ang lalaki bilang kapalit sa pagproseso nito ng mga dokumento ng kanyang anak. Agad naman itong itinawag sa police station ni Daniel, dahilan upang maaresto ang nasabing lalaki. Sa imbestigasyon ng mga pulis, kinilala ito sa tunay na pangalang Ryan Calayan Maborang, 24, may asawa at residente ng Lemu Norte Enrile, Cagayan Valley at pansamantalang naninirahan sa Mabini Street, Koronadal City. Napag-alaman na dating miyembro din ito ng AFP na may ranggong private ngunit naalis na sa serbisyo. Sasampahan naman ito ng kaso. (Girlie Narciso-Solis)
Posted on: Thu, 10 Oct 2013 08:36:18 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015