Naiiintindihan ko ang mga panghihinayang ng magreretiro nang guro - TopicsExpress



          

Naiiintindihan ko ang mga panghihinayang ng magreretiro nang guro ko sa Kasaysayan 114. Malayo na raw sana ang igpaw ng Pilipinas at mga Filipino, pwede rin sigurong Filipino at Pilipinas. Biro mo, unang republika sa Asya, nagkaroon ng presidenteng bar top notcher, karismatikong lasenggo, Ph. D. Pero eto, isang ganap na Smokey Mountain at Payatas na ng nagpapanggap na kalayaan at konsumerismo ang bansa. Sa kabila niyan, karaniwang Pinoy pa rin ang bumabalikat sa pag-iral natin bilang sambayanan. Nagpapadala at nag-uuwi ang mga OFW ng sinasambang dolyares, nakikibaka ang naliwanagang mga manggagawa, magsasaka at maliliit na mga propesyonal habang nagkakamal ang mga Henry Sy at kauri nila. Sa madaling salita, buntis na naman ang Pilipinas ng kalayaan. Ang sa akin lang, para maging mapagpala ang pagreretiro at masiyahan naman ang guro ko at iba pang meron nang ID para sa libreng sine at discount sa Mercury Drug, pwede bang pagsapit ng siyam na buwan, e, i-Caesarian na? :))
Posted on: Fri, 21 Jun 2013 20:36:45 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015