Nakakaalarma ang pagpapakalat ng kasinungalingan ng mga Marcos - TopicsExpress



          

Nakakaalarma ang pagpapakalat ng kasinungalingan ng mga Marcos loyalist para linlangin ang mga Pilipino. Pinapalabas nila na maunlad daw ang Pilipinas noong panahon ng panunungkulan ng idol nila pero hindi naman nila maipaliwanag kung bakit ang utang ng Pilipinas noong 1962 eh 360 million US Dollars lamang pero lumobo ito sa 28.3 billion US Dollars ng mapatalsik si Marcos noong 1986. Hindi ba marapat lamang na kung talagang sobrang galing ni Marcos at maunlad daw ang Pilipinas noong kapanahunan niya eh di sana hindi naging ganyan kalaki ang utang ng Pilipinas. Dapat pa nga bumaba pa ito o di kaya naman eh meron pa tayong reserve. Isa lang iyan sa napakaraming katotohanan na hindi nila kayang baliin. Ni isang Marcos loyalist wala pang nakapagpaliwanag niyan.
Posted on: Wed, 25 Sep 2013 01:25:53 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015