National News Like o unlike? Nina Dindo Matining/Noel - TopicsExpress



          

National News Like o unlike? Nina Dindo Matining/Noel Abuel/ Bernard Taguinod Narito naman ang magkakaibang reaksyon kahapon ng mga mambabatas sa ikaapat na SONA ni Pangulong Noynoy Aquino: Vice President Jejomar Binay: It was a very candid SONA. The President confronted major issues, cited the gains of the last three years and showed us where we will be three years from now. Supreme Court Justice Ma. Lourdes Sereno: It was a fair speech… There are so many things that we need to reform in the judiciary. We cannot have very long litigation we cannot have very congested court dockets we must move forward. Sen. Ralph Recto: Tama ang pinahiwatig ng Pangulo na ang mahirap ang siyang unang dapat makatikim ng biyaya at hindi binabalutan na lamang ng tira- tira. Sen. Juan Edgardo Angara: Ramdam na ang iilang dibidendo ng Daang Matuwid. Every peso saved from good governance is a peso spent for Juan Dela Cruz. Sen. Gregorio Honasan: I gave the President for us a 7 rating from the scale of 1 to 10. Sen. Jinggoy Estrada: Wala akong narinig tungkol sa concerns ng OFWs. Alam mo naman ‘yan ang aking committee sa Senado. Sana nabigyan niya ng kauukulang solusyon lalong na ang mga OFWs natin sa Taiwan at Saudi. Sen. Vicente Sotto III: I found it quite inspiring. The statistics backed him up. House minority leader Ronaldo Zamora: Hindi niya binigyan ng pansin ang legislative programs na kailangang harapin ng Kongreso. Pangalawa maraming mga programa na hindi naman naipaliwanag ng mabuti. Ako ang tingin it was a good speech where he pay attention on some issues, ang nagiging problema ay maraming hindi binanggit. Maganda sana nabanggit ang pork barrel scam, dahil apektado ang mga kongresista. Cibac partylist Rep. Sherwin Tugna: ‘Yung sinabi niya ina- address talaga niya ‘yung talagang kinakailangan ng ating mga kababayan tulad ng edukasyon, trabaho, at ang PPP... ‘Yung programa sa trabaho para magkaroon ng pagkain, lahat ‘yan prinesenta ang facts, and iba pang infrastructures projects tulad ng koneksyon ng NLEX at SLEX. Navotas Rep. Toby Tiangco: Ang gusto ko sanang marinig ay ‘yung specific measures. Marami siyang sinabing laws na gustong palitan pero gusto ko sanang maging specific measure kung papaano lalaki ang takehome pay ng ordinaryong mamamayan. Kung sa MRT kung itataas ‘yun liliit pa ang takehome pay ng ordinaryong mamamayan. Kung talagang sinasabi na tumaas ang growth, nagkaroon ng growth isa lang ang nangyari ‘yung mayaman lalong mayaman. Mungkahi ko sana bawasan ang buwis na binabayaran para ‘yung takehome pay ng mamamayan lumaki. Act partylist Rep. Antonio Tinio: Mahabang listahan ng pagpupuri sa sarili, sa mga achievement ng admininistrasyon, ng tinatawag nilang matuwid na daan. Pero nakikita natin yung hangganan o limitasyon nito, Hindi man lang napag-usapan ng malalim yung mga direktang problema ng taumbayan, ‘yung kahirapan, ‘yung laganap na unemployment, ‘yung pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil sa deregulation at bansa privatization ng social services. -via Abante
Posted on: Tue, 23 Jul 2013 03:47:59 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015