National News Mag-asawang Napoles, tinaningan sa P61M tax - TopicsExpress



          

National News Mag-asawang Napoles, tinaningan sa P61M tax case Hanggang Biyernes na lang ang ibinigay ng Department of Justice (DOJ) sa mag-asawang Jaime at Janet Lim-Napoles para isumite ang kanilang counter affidavit kaugnay sa kasong P61 million tax evasion na isinampa laban sa kanila ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ito ay matapos na hindi tanggapin ng DOJ panel ang notaryadong counter affidavit na isinumite ng mag-asawang Napoles sa pamamagitan ng kanilang abogado na si Atty. Ian Dela Cruz-Encarnacion. Sinabi ni Sr. Assistant State Prosecutor Edna Valenzuela na dapat na umanong panumpaan ng mag-asawa ang kanilang counter affidavit sa harap ng isang public prosecutor. Ayon kay Valenzuela, head ng 3-man investigating team, maaari umanong panumpaan ni Napoles na nakadetine ngayon sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna, ang kanyang counter-affidavit sa harap ng isang Laguna prosecutor. Iginiit naman ng BIR na isumite na “for resolution” ang kaso ni Napoles. Petisyon ni Reynald Lim, ibinasura Ibinasura naman ng Court of Appeals (CA), ang petisyon ni Reynald Lim, kapatid ng inarestong utak ng P10 bilyon pork barrel fund scam na si Janet, na humihiling na lusawin ng korte ang kanyang warrant of arrest kaugnay sa kasong serious illegal detention na isinampa ng whistleblower na si Benhur Luy. Nabatid na tinanggihan ng CA Seventh Division na pinamumunuan ni Asso­ciate Justice Noel Tijam, ang plea ni Lim at pinagtibay nito ang naunang ruling ni Makati City Regional Trial Court Branch 150, Judge Elmo Alameda na may ebidensya laban kay Lim. ««« Admin VOI_SERVANT »»»
Posted on: Thu, 21 Nov 2013 18:51:06 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015