National News: Sabit sa Pork, iwas pusoy Ni Marlo - TopicsExpress



          

National News: Sabit sa Pork, iwas pusoy Ni Marlo Dalisay Umpisa pa lamang ng sesyon ay napag-alamang naka-leave na sa kani-kanilang tanggapan at hindi na muna umano nagpapakita pa ang isa sa staff ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., na maaaring kasama ng huli na masampahan ng kaso kaugnay sa pork barrel scandal. “He’s on leave, matagal-tagal na rin,” ang pahayag ni Atty. Patrick Baraoan na siyang humarap sa media nang personal na puntahan ang opisina ni Revilla sa ikalimang palapag ng gusali ng Senado kung saan ang tinutukoy nito ay si Atty. Richard Cambi. Bukod sa nasabing staff ni Revilla, hindi na rin umano pumapasok sa kanilang tanggapan sa Senado ang staff din ni Senador Jinggoy Estrada na si Paulene Labayen na kasama rin sa mga napapaulat na kakasuhan ng Department of Justice (DOJ) sa pork barrel scandal. Gaya ni Revilla, tumanggi ring humarap si Estrada sa media. “Basta po sabihin ko raw sa inyo na hindi siya pumasok,” ang tila kinakabahan na tugon ng isa sa mga staff ni Estrada nang sadyain ng mga mamamahayag ang tanggapan nito sa ikaanim na palapag ng gusali ng Senado. Napag-alaman din na bagama’t pumapasok naman at nasa kanilang tanggapan kahapon sa Senado si Jose Antonio Evangelista, ang staff ni Senate minority leader Juan Ponce Enrile na kabilang din sa mga napangalanan ay hindi na ito humarap sa media at hindi umano muna magbibigay ng anumang pahayag. Aminado rin ang tanggapan ni Enrile na hindi na nila nakikitang dumadalaw ang dati nitong chief of staff na si Atty. Lucila ‘Gigi’ Reyes buhat nang ito ay magbitiw sa kanyang puwesto makaraang idawit sa mga umano’y hindi patas na pagtrato ng senador sa mga kasamahan noong ito pa ang presidente ng Senado. May mga balitang si Reyes ay tumakbo na sa Thailand pero ito ay hindi makumpirma ngayon bunga na rin ng umano’y internal instructions ng pamunuan ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) na huwag magsisiwalat sa publiko ng arrivals at departures ng mga kontrobersyal na personalidad. Kaugnay nito, sinabi naman ni Sen. Revilla na ipinapaubaya na lamang nito sa Maykapal ang paggabay sa mga pangyayari ngayon sa lipunan lalung-lalo sa panig ng ehekutibo, lehislatura at hudikatura kung saan ay pare- pareho ang pinagdadaanan -Via Abante
Posted on: Thu, 12 Sep 2013 04:26:35 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015