Nawawalang balikbayan boxes aaksyunan Via Abante Online | - TopicsExpress



          

Nawawalang balikbayan boxes aaksyunan Via Abante Online | News THURSDAY, July 11, 2013 Isang kasunduan ang nilagdaan kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) at Association of International Shipping Lines Inc. (AISL) sa layunin pa ring sugpuin na ang lumulobong bilang ng mga nawawala o undelivered balikbayan boxes sa bansa. Sa isang statement, sinabi ng DTI na sa pamamagitan ng kasunduan ay magkakaroon nang information-sharing kaugnay sa listahan ng accredited sea freight forwarders gayun­din ang may mga pending administrative cases o complaints. “With the proper information from DTI, the shipping lines may refuse carriage of consolidated balikbayan box shipments if the foreign consolidator is in DTI’s Advisoryof those companies, and/or thePhilippine Agent/Freight Forwarder has complaints against it at DTI or has no DTI accreditation to engage in freight forwarding business,” a­yon sa DTI. Sa kasalukuyan ay may 633 eligible firms na nasa lista­han ng DTI Philippine Shippers’ Bureau. Umaasa ang DTI na sa pamamagitan ng nilagdaang kasunduan ay maibsan ang mga reklamo ukol sa pagkawala ng kanilang mga balikbayan boxes.(Eralyn Prado) Unknown
Posted on: Wed, 10 Jul 2013 20:06:07 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015