Neti pot para sa sinus problems May sinus problem ka ba? Rinse - TopicsExpress



          

Neti pot para sa sinus problems May sinus problem ka ba? Rinse your nasal passages twice a day to flush out pollen and other irritants. Maglagay ng saline solution ( 1/4 teaspoon salt and 1 cup warm water) sa isang neti pot na pwedeng plastic o ceramic. Ilagay ito sa butas ng ilong at hayaang dumaloy ang tubig palabas sa kabilang butas . Bahagyang ipaling ang ulo upang mas mabilis ang pagdaloy ng tubig palabas sa ilong. Gently blow your nose afterwards. Nosebleeds Share on facebook Share on gmail Share on twitter Share on email Bakit nagdudugo ang ilong ko? Tapos pinupulikat ako at kumikirot ang kanan bahagi ng tiyan ko. Ano kaya ito? – Name withheld. * * * Nakakatakot tingnan ang nosebleeds o epistaxis pero kadalasan hindi delikado ito. Maraming maliliit na blood vessels ang ilong at madali itong masira. Ang pangkaraniwang dahilan ng nosebleeds ay tuyong hangin at sobrang pagkalikot ng ilong. Kapag tuyo ang nasal membranes, mabilis itong magdugo at magka-impeksiyon. Ang ibang dahilan ng nosebleeds ay sinusitis, allergies, sipon, paggamit ng aspirin, coccaine at nasal sprays para sa baradong ilong, o pinsala sa ilong. Pwede rin magka-nosebleeds dahil sa alak, leukemia o tumor sa ilong. Paniwala ng marami na ito ay sintomas ng high blood pressure pero hindi totoo ito. Para pigilin ang nosebleeds at makaiwas sa paglunok ng dugo, umupo ng diretso at i-abante ang ulo. Pisilin ang ilong gamit ang hinlalaki at hintuturo. Pinch both nostrils for 5 to 10 minutes kahit isa lang ang dumudugo. Kapag hindi tumigil ang dugo, pwedeng ulitin ito hanggang 15 minutos. Kung wala nang dugo, huwag kalkalin o suminga at huwag yumuko ng ilang oras. Panatiliin mataas ang ulo kaysa puso. Pumunta sa doktor kapag hindi tumigil ang dugo pagkalipas ng 30 minutos, nahirapan kang huminga, maraming dugo ang lumalabas o na-aksidente ka. Sabihin sa doctor kung madalas kang magka-nosebleeds (more than once a week) kahit napipigilan ito. Dapat malaman ang dahilan nito. Maraming dahilan ang stomach cramps at ito ay sintomas ng problema sa tiyan, maliit ng bituka, gallbladder, atay o pancreas. Maaring appendicitis ito kapag wala kang ganang kumain, may lagnat, nahihilo at nasusuka ka. Sa una, hindi malaman kung saan nanggaling ang sakit ng appendicitis pero sa katagalan ito’y mararamdaman sa kanang bahagi ng tiyan. Upang makasiguro na hindi appendicitis ang nararamdaman mo, pumunta sa doctor para alamin ang dahilan nito.
Posted on: Wed, 28 Aug 2013 12:27:31 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015