News photographer, niratrat sa harap ng pamilya (Al - TopicsExpress



          

News photographer, niratrat sa harap ng pamilya (Al Jacinto/Amihan Sabillo) Isang news photographer ang walang awang pinatay sa loob ng kanilang bahay sa General Santos City sa Mindanao. Sinabi ng pulisya na pinasok ng armado ang bahay ni Mario Sy, 56, at saka ito binaril sa harapan ng kanyang pamilya nitong Huwebes ng gabi. Hindi pa mabatid ang motibo sa pagpatay, ngunit si Sy ay contributor ng Min­danao Bulletin at Sapol Bulletin newspapers sa katimugan. Sinabi ng pulisya na nasaksihan umano ng asawa ni Sy ang krimen, ngunit hindi naman agad mabatid kung nagbigay na ba ito ng pahayag sa mga imbestigador. Si Sy ang ika-18 journalist na pinatay sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.
Posted on: Sat, 03 Aug 2013 12:13:24 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015