News time Senado napaikot ni Napoles (Marlo Dalisay) Bukod - TopicsExpress



          

News time Senado napaikot ni Napoles (Marlo Dalisay) Bukod sa pagkakaroon umano ng selective memory ni Janet Lim- Napoles base na rin sa obserbasyon ni Senador Teofisto “TG” Guingona, chairman ng Senate Blue Ribbon committee, nagpaikut-ikot din ito sa pagsagot sa mga tanong ng ibang miyembro ng naturang komite na dumalo sa pagdinig. Bagama’t inamin ni Napoles na matagal na niyang naging tauhan ang kamag-anak na si Benhur Luy at si Marina Sula na pareho na ngayong testigo laban sa kanya, hindi nito mabanggit kung ano ang mga partikular na naging trabaho ng dalawa. Ito ay nang tanungin ni Senador Francis Escudero ang tinaguriang pork barrel queen kung ano ang naging trabaho ng dalawa sa kanyang kumpanya. Maging ang operasyon ng umano’y coal company sa America ay nalusutan pa rin ni Napoles matapos ibuko sa kanya ni Escudero na hindi puwedeng magkaroon ng coal company sa naturang bansa dahil ipinagbabawal ito doon. “Sa America lang po binuo ang kumpanya pero sinubukan pong mag- operate dito sa Pilipinas ‘yan,” depensa ni Napoles kasabay ng pagsasabing ang asawa niyang si Jaimie Napoles ang nakakaalam ng buong detalye ng operasyon nito. Hindi rin napiga ni Escudero at maging ni Senador Bam Aquino si Napoles kung ano ang pangalan ng coal company na pinagdidiinan nito na pinagmulan ng salaping ipinambili nila ng unit sa Ritz Carlton Apartment, isa sa mga mamahaling tirahan sa Ame­ rica at iba pang mga ari-arian kabilang ang pitong sasakyan at tatlong bahay. Dahil sa pagturo ni Napoles sa kanyang asawa, iminungkahi na lamang ni Escudero na ipa-subpoena ang huli sa susunod na pagdinig ng Senado upang makapagpaliwanag din sa operasyon ng coal company na umano’y nakabase sa Indonesia. #Carnation ♥
Posted on: Fri, 08 Nov 2013 04:56:53 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015