Notes for Grade 7 Heograpiya ng Pilipinas 1. Heograpiya – - TopicsExpress



          

Notes for Grade 7 Heograpiya ng Pilipinas 1. Heograpiya – hango sa salitang Griyego na ‘geo’ na nangangahulugang daigdig at ‘graphien’ na nangangahulugang pagsulat o paglalarawan ng pisikal na kaayusan ng balat ng lupa. 2. Pinagmulan ng Pilipinas 2.1 May mga alamat patungkol sa pinagmulan ng Pilipinas. (Kultura) 2.1.1 Ang Pilipinas ay nagmula sa isang napakalaking bola na inihagis ng isang higante, kung kaya’t nagkahiwa-hiwalay ang pulo sa Pilipinas. 2.1.2 Nagsimula diumano sa alitan ng dagat at kalawakan. 2.2 Ayon naman sa paniniwala ng relihiyon ang Pilipinas ay bahagi ng mga nilikha ng Diyos. (Paniniwala) 2.3 May mga siyentipiko na nagpapaliwanag sa heolohikal na pagkabuo ng ating bansa. (Kaalaman) 2.3.1 Teorya ng Tulay na Lupa – ang mga kalapit na bansa sa Pilipinas ay dating pinagdudugtong ng Tulay na Lupa. Ang mga tulay ay sinasabing nasa pagitan ng Borneo at Palawan; Sulu at Mindanao; New Guinea at Mindanao; mga pulo ng Batanes at Taiwan. May 45, 000 taon nang nakalilipas, ang panahon pagkatapos ng pagkatunaw ng yelo sa daigdig. Tumaas ang tubig sa dagat hanggang sa umabot sa mga tulay na lupang nagdurugtong sa Pilipinas sa ibang bahagi ng mga bansa sa Asya. 2.3.2 Tectonic Plate Theory- 225 milyong taon na ang nakalilipas, nagkaroon ng matitinding lindol at malalakas na pagsabog ng bulkan sa ilalim ng Dagat Tsina. Maraming putik ang ibinuga ng mga bulkan na nabuo at lumampas sa kapantayan ng dagat at lupa. Ito rin ang itinuturong dahilan kung bakit hiwa-hiwalay ang mga pulo sa Pilipinas. Bilang ng pulo sa Pilipinas -ang Pilipinas ay binubuo ng humigit kumulang na 7,107 pulo sa Pilipinas. 3, 144 lamang ang may pangalan at 1,192 ang may naninirahan. 3. Ang Pambansang Teritoryo ng Pilipinas 3.1 Bakit mahalagang pangalagaan ang teritoryo ng Pilipinas? -dahil ang anumang kalikasan na mayroon ka ay pinakikinabangan mo, kung kaya’t may tungkulin kang pangalagaan at ipagtanggol ito. -dalawampung porsyento ng isda na kinakain ng mga Pilipino ay mula sa mga isla ng Sptratlys, kung hindi natin ipagtatanggol ang teritoryong ito ay may posibilidad na magmahal ang mga isda sa ating bansa dahil magkakaroon ng kakapusan. Bakit kailangang pangalagaan ang ating air space o teritoryong panghimpapawid? -isang paraan ang ito upang mapangalagaan natin ang ating seguridad laban sa mga magtatangkang maghasik ng kaguluhan sa ating bansa. Mga Terminolohiya: AOR o Area of Responsibility – lawak ng teritoryong kailangang protektahan ng mga bantay dagat. Exclusive Economic Zone - Archipelagic Doctrine - Isa itong pagdurugtong ng mga tuwid na guhit sa pinakalabas na mga pulo ng bansa. 4. Klima at Panahon ng Pilipinas -Tropikal ang klima sa Pilipinas dahil sa lokasyon nito. -mainit ang panahon sa Pilipinas ang ating temperatura ay 21 digri hanggang 37 digri. -ang buwan ng Abril ang pinakamainit at buwan ng Pebrero ang pinakamalamig. -dalawa ang panahon ng ating bansa: Tag-init na nagsisimula ng Nobyembre at nagtatapos ng Mayo. Tag-ulan na nagsisimula ng Hunyo hanggang Oktubre.
Posted on: Sun, 07 Jul 2013 13:50:14 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015