Notes for Grade 8 Heograpiya ng Asya 1. Heograpiya – hango sa - TopicsExpress



          

Notes for Grade 8 Heograpiya ng Asya 1. Heograpiya – hango sa salitang Griyego na ‘geo’ na nangangahulugang daigdig at ‘graphien’ na nangangahulugang pagsulat o paglalarawan ng pisikal na kaayusan ng balat ng lupa. 2. Asya – pinakamalaking kontinente sa buong daigdig. -sakop nito ang halos may ikatlong bahagi ng kabuuang lupa sa daigdig. Ang Asya ay binubuo ng limang rehiyon 2.1 Hilagang/Gitnang Asya (TTUKK) Kazakhstan Kyrgyzstan Tajikistan Turkmenistan Uzbekistan 2.2 Kanlurang Asya Afghanistan Bahrain Cyprus Iran Iraq Israel Jordan Kuwait Lebanon Oman Qatar Saudi Arabia Syria Turkey UAE Yemen Armenia Azerbaijan Georgia 2.3 Timog Asya India Pakistan Bangladesh Bhutan Nepal Maldives Sri Lanka 2.4 Silangang Asya Tsina Japan Mongolia North Korea South Korea Taiwan 2.5 Timog-Silangang Asya Brunei Darussalam Cambodia Indonesia Laos Malaysia Myanmar Pilipinas Singapore Thailand Timor-Leste Vietnam Klima at Vegetation Cover ng Asya 1. Klima – kalagayan ng atmospera ng isang lupain sa loob ng mahabang panahon. 2. Panahon – kondisyon ng atmospera sa isang natatanging pook sa loob ng nakatakdang oras. 3. Latitud – distansya mula sa hilaga o timog ng ekwador na nasusukat sa digri. 3.1 Mataas na latitud – nakalatag mula 60 digri latitud hanggang sa polong hilaga o polong timog. Klimang Polar ang dito’y nararanasan. 3.2 Gitnang latitude – nakalatag sa pagitan ng 60 digri latitud at 23 digri latitud pahilaga at patimog. Mahalumigmig o temperate ang klimang nararanasan dito. Nahahanay sa gitnang latitude ang Hilagang Asya, Silangang Asya, at ilang bahagi ng Kanlurang Asya. 3.3 Mababang latitud – rehiyong nakalatag sa pagitan ng ekwador (0 digri), Tropic of cancer (23 digri) sa hilaga, at Tropic of Capricorn (23 digri) sa timog. Mararanasan ang pinakamataas na presyon ng klima sa daigdig. Napakainit ng klima sa rehiyong ito, kung kaya’t tinawag ang rehiyong ito na Tropical Zone o Torrid Zone. 4. Monsoon – isang natatanging hanging nararanasan sa Asya. - pana-panahong hanging dala ng presyon ng atmospera sa kalagitnaan ng kontinente. 4.1 Hanging Habagat (Southwest Monsoon) – ay isang maulap, mainit, at basang klima na karaniwang nabubuo sa pagitan ng mga buwan ng Mayo at Hunyo at lumalakas sa mga buwan ng Hulyo at Agosto. 4.2 Hanging Amihan (Northeast Monsoon) - ay isang malamig at tuyong hangin na nababasa sa pagsipsip nito ng tubig habang kumikilos. Kadalasan itong nakaaapekto sa Pilpinas tuwing buwan ng Oktubre hanggang Marso. 5. Altitude- tumutukoy sa taas ng isang pook o lupain mula sa sea level o kapantayan ng dagat. Ito ay sumasagot sa katanungang bakit nagyeyelo ang mga nagtataasang kabundukan sa Asya. 6. Mga Klima sa Asya 6.1 Klimang Tropical – palaging mataas ang temperature sa mga lupaing nakararanas ng klimang tropical. 6.2 Arid at Semi-arid – karaniwan sa mga madisyertong lupain ng Asya. 6.3 Klimang Temperate – ang temperature ay karaniwan ng umaabot ng 10 digri Celcius at bihira ng lumampas ng 40 digri Celcius tuwing tag-init. Ang Klimang Temperate ay nauuri sa sumusunod: 6.3.1 Klimang Mediterranean – nararanasan sa kanlurang bahagi ng kontinente. 6.3.2 Subhumid Tropical – karaniwang nararanasan sa kalagitnaan at silangang bahagi ng kontinente. 6.3.3 Maritime Temperate – karaniwang nadarama sa silangang bahagi ng kontinente. 6.4 Klimang Continental – karaniwan sa klimang ito ang temperaturang 10 digri Celcius sa pinakamainit na buwan at -3 digri Celcius sa pinakamalamig na buwan. Ito ay nararanasan sa kalagitnaan ng kontinente Ang Klimang Continental ay nauuri sa sumusunod: 6.4.1 Continental Subartic o Taiga – nararanasan sa mahabang panahon ang matindi at nagyeyelong taglamig sa mga pook na ito.Ang karaniwang temperatura dito ay umaabot ng 0 digri Celcius. Ang tag-init ay nararamdaman lamang sa loob ng maigsing panahon, kung saan ang araw ay sumisinag sa loob ng dalawampu’t apat na oras lamang. Nararanasan lamang ito sa hilagang hatingglobo. 6.4.2 Continental Severe Winter - higit na mas malamig ang klima ditto kumpara sa Continental Subartic o Taiga. Ang napakatinding lamig sa mga pook na ito ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng permafrost. Nararanasan sa Siberia, at sa mga napakataas na lupain sa Pakistan, Iran, Turkey, Afghanistan, at mga bansa sa Hilagang Asya. 6.5 Klimang Polar – ang pangkaraniwang temperature ay mababa pa sa 10 digri Celcius sa loob ng buong taon.Sa klimang ito, ang araw ay sumisinag lamang sa loob ng 24 oras sa panahon ng tag-init. Ang ganitong klima ay bunga ng kawalan ng puno sa mga pook na natatabunan ng permanenteng yelo. Ang malaking bahagi ng Siberia ay nakararanas ng klimang Polar. 6.6 Tundra – ang taglamig sa ganitong panahon ay madilim, mahangin at malamig. Ito ay tumatagal ng mahabang buwan at may temperaturang bumababa ng -60 digri Celcius. Higit na mas mahaba ang araw kaysa gabi sa panahong ito.
Posted on: Sun, 07 Jul 2013 13:51:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015