OFW na nakaligtas sa parusang bitay sa Saudi, nakauwi na sa - TopicsExpress



          

OFW na nakaligtas sa parusang bitay sa Saudi, nakauwi na sa Phil. Matapos ang 13 taong pagkakabilanggo sa Saudi Arabia, balik Pilipinas na ang overseas Filipino worker (OFW) na si Rodelio "Dondon" Lanuza. Ganap na alas-3:03 ngayong hapon nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang eroplanong kinalululanan ni Lanuza na Etihad Airways flight EY 424. Kung maaalala, nakulong ang nasabing OFW matapos makapatay ng isang Arabo na nagtangkang siya ay gahasain. Una rito, magkahalong saya at nerbyos umano ang nararamdaman ni Lanuza ngayong haharap na siya sa panibagong buhay. Gayunman ay mas lamang naman aniya ang pakiramdam ng kaligayahan dahil makakasama na nito ang kanyang mga mahal sa buhay. "Magpapahinga ng ilang araw, ilang linggo, kasama yung pamilya ko. Sa lahat po ng tumulong sa akin, tauspuso po kami ng pamilya ko na nagpapasalamat sa inyong suporta, sa inyong oras, sa inyong mga dasal, sa panibagong buhay," wika ni Lanuza. Nakaligtas sa parusang bitay si Lanuza matapos makaipon ang gobyerno ng Pilipinas ng blood money na P35 million at naibigay sa pamilya ng biktima, kung saan tumulong din sa pagbayad si King Abdullah ng Saudi. ※green※
Posted on: Thu, 19 Sep 2013 11:08:57 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015